1
1 Cronica 29:11
Ang Salita ng Dios
Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O PANGINOON, at higit kayo sa lahat!
Compare
Explore 1 Cronica 29:11
2
1 Cronica 29:12
Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.
Explore 1 Cronica 29:12
3
1 Cronica 29:14
Pero sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin.
Explore 1 Cronica 29:14
4
1 Cronica 29:13
“Ngayon, O aming Dios, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.
Explore 1 Cronica 29:13
5
1 Cronica 29:10
Pinuri ni David ang PANGINOON sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O PANGINOON, Dios ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman!
Explore 1 Cronica 29:10
Home
Bible
Plans
Videos