1
Exodus 23:25-26
Ang Salita ng Dios
Sambahin ninyo ako, ang PANGINOON na inyong Dios, at bibigyan ko kayo ng masaganang pagkain at tubig. Pagagalingin ko ang inyong mga karamdaman, at walang babaeng makukunan at walang magiging baog sa inyong lupain, at pahahabain ko ang inyong buhay.
Compare
Explore Exodus 23:25-26
2
Exodus 23:20
“Ngayon, isinugo ko ang anghel para bantayan at gabayan kayo sa lugar na inihanda ko para sa inyo.
Explore Exodus 23:20
3
Exodus 23:22
Kung makikinig lang kayo nang mabuti sa sinasabi niya at gagawin ang lahat ng sinasabi ko, lalabanan ko ang inyong mga kaaway.
Explore Exodus 23:22
4
Exodus 23:2-3
“Huwag kayong makikiisa sa karamihan sa paggawa ng masama. Kung sasaksi kayo sa isang kaso, huwag nʼyong babaluktutin ang hustisya para lang masunod ang opinyon ng karamihan. Huwag ninyong papaboran ang kaso ng mga mahihirap dahil lang sa kanilang kalagayan.
Explore Exodus 23:2-3
5
Exodus 23:1
“Huwag kayong magbabalita ng kasinungalingan. Huwag kayong magsisinungaling para tumulong sa isang taong masama.
Explore Exodus 23:1
Home
Bible
Plans
Videos