1
Juan 3:16
Ang Salita ng Dios
“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Compare
Explore Juan 3:16
2
Juan 3:17
Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang kanyang Anak dito sa mundo upang hatulan ng parusa ang mga tao, kundi upang iligtas sila.
Explore Juan 3:17
3
Juan 3:3
Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios ang hindi ipinanganak na muli.”
Explore Juan 3:3
4
Juan 3:18
Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Dios.
Explore Juan 3:18
5
Juan 3:19
Hinatulan sila dahil dumating ang Anak ng Dios bilang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa dilim kaysa sa lumapit sa kanya na nagbibigay-liwanag, dahil masama ang mga ginagawa nila.
Explore Juan 3:19
6
Juan 3:30
Kailangang lalo pa siyang makilala, at ako namaʼy makalimutan na.”
Explore Juan 3:30
7
Juan 3:20
Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa.
Explore Juan 3:20
8
Juan 3:36
Ang sumasampalataya sa Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa kanya ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan kundi mananatili sa kanya ang galit ng Dios.”
Explore Juan 3:36
9
Juan 3:14
Sinabi pa ni Jesus, “Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso sa ilang ay ganoon din naman, ako na Anak ng Tao ay dapat ding itaas
Explore Juan 3:14
10
Juan 3:35
Mahal ng Ama ang kanyang Anak, at ipinailalim sa kapangyarihan niya ang lahat.
Explore Juan 3:35
Home
Bible
Plans
Videos