1
Mateo 18:20
Ang Salita ng Dios
Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako.”
Compare
Explore Mateo 18:20
2
Mateo 18:19
“Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin ang anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking Amang nasa langit.
Explore Mateo 18:19
3
Mateo 18:2-3
Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbago at maging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Dios.
Explore Mateo 18:2-3
4
Mateo 18:4
Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa lahat ng kabilang sa kaharian ng Dios.
Explore Mateo 18:4
5
Mateo 18:5
“At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.
Explore Mateo 18:5
6
Mateo 18:18
“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, anuman ang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.
Explore Mateo 18:18
7
Mateo 18:35
At pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Ganyan din ang gagawin ng inyong Amang nasa langit kung hindi kayo magpapatawad nang buong puso sa inyong kapwa.”
Explore Mateo 18:35
8
Mateo 18:6
Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian sa leeg ng gilingang bato at itapon sa pusod ng dagat.”
Explore Mateo 18:6
9
Mateo 18:12
“Ano sa palagay ninyo ang gagawin ng taong may 100 tupa kung mawala ang isa? Hindi baʼt iiwan niya ang 99 sa burol at hahanapin ang nawawala?
Explore Mateo 18:12
Home
Bible
Plans
Videos