1
Mateo 5:15-16
Ang Salita ng Dios
Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”
Compare
Explore Mateo 5:15-16
2
Mateo 5:14
“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago.
Explore Mateo 5:14
3
Mateo 5:8
Mapalad ang mga taong may malinis na puso, dahil makikita nila ang Dios.
Explore Mateo 5:8
4
Mateo 5:6
Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Dios, dahil tutulungan sila ng Dios na matupad iyon.
Explore Mateo 5:6
5
Mateo 5:44
Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.
Explore Mateo 5:44
6
Mateo 5:3
“Mapalad ang mga taong inaaming nagkulang sila sa Dios, dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios.
Explore Mateo 5:3
7
Mateo 5:9
Mapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, dahil tatawagin silang mga anak ng Dios.
Explore Mateo 5:9
8
Mateo 5:4
Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Dios.
Explore Mateo 5:4
9
Mateo 5:10
Mapalad ang mga dumaranas ng pag-uusig dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Dios, dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios.
Explore Mateo 5:10
10
Mateo 5:7
Mapalad ang mga maawain, dahil kaaawaan din sila ng Dios
Explore Mateo 5:7
11
Mateo 5:11-12
“Mapalad kayo kung dahil sa pagsunod ninyo sa akin ay iniinsulto kayo, inuusig at pinaparatangan ng masama. Ganoon din ang ginawa nila sa mga propeta noong una. Kaya magalak kayo dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit.”
Explore Mateo 5:11-12
12
Mateo 5:5
Mapalad ang mga mapagpakumbaba, dahil mamanahin nila ang mundo.
Explore Mateo 5:5
13
Mateo 5:13
“Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao.
Explore Mateo 5:13
14
Mateo 5:48
Kaya dapat kayong maging ganap, tulad ng inyong Amang nasa langit.”
Explore Mateo 5:48
15
Mateo 5:37
Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; dahil kung manunumpa pa kayo, galing na iyan sa diyablo.”
Explore Mateo 5:37
16
Mateo 5:38-39
“Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.
Explore Mateo 5:38-39
17
Mateo 5:29-30
Kaya kung ang kanang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang parte ng iyong katawan kaysa sa buo ang katawan mo pero itatapon ka naman sa impyerno. At kung ang kanang kamay mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang parte ng katawan kaysa sa buo ang katawan mo pero itatapon ka naman sa impyerno.”
Explore Mateo 5:29-30
Home
Bible
Plans
Videos