1
Roma 4:20-21
Ang Salita ng Dios
Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Dios, kundi lalo pang tumibay ang kanyang pananampalataya. Pinapurihan niya ang Dios dahil lubos siyang umasa na tutuparin ng Dios ang kanyang pangako.
Compare
Explore Roma 4:20-21
2
Roma 4:17
Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Kaya sa paningin ng Dios, si Abraham ang ating ama. At ang Dios na pinaniwalaan ni Abraham, ang siya ring Dios na bumubuhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na wala pa.
Explore Roma 4:17
3
Roma 4:25
Pinatay si Jesus dahil sa ating mga kasalanan, at muling binuhay para tayoʼy maituring na matuwid.
Explore Roma 4:25
4
Roma 4:18
Kahit na wala nang pag-asang maging ama si Abraham, nanalig pa rin siyang magiging ama siya ng maraming bansa; gaya nga ng sinabi ng Dios sa kanya, “Magiging kasindami ng bituin ang bilang ng mga anak mo.”
Explore Roma 4:18
5
Roma 4:16
Kaya nakabatay ang pangako ng Dios sa pananampalataya, para itoʼy maging biyaya ng Dios at tiyak na matatanggap ng lahat ng lahi ni Abraham – hindi lamang ng mga Judio na sakop ng Kautusan, kundi maging ng mga hindi Judio na sumasampalataya ring tulad ni Abraham na ama nating lahat.
Explore Roma 4:16
6
Roma 4:7-8
Ang sinabi niya, “Mapalad ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Dios ang kanyang kasalanan. Mapalad ang tao kapag hindi na ibibilang ng Panginoon laban sa kanya ang kanyang mga kasalanan.”
Explore Roma 4:7-8
7
Roma 4:3
dahil sinasabi sa Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil ditoʼy itinuring siyang matuwid ng Dios.”
Explore Roma 4:3
Home
Bible
Plans
Videos