1
2 Mga Taga-Corinto 1:3-4
Magandang Balita Biblia (2005)
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis.
Compare
Explore 2 Mga Taga-Corinto 1:3-4
2
2 Mga Taga-Corinto 1:5
Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo.
Explore 2 Mga Taga-Corinto 1:5
3
2 Mga Taga-Corinto 1:9
Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay.
Explore 2 Mga Taga-Corinto 1:9
4
2 Mga Taga-Corinto 1:21-22
Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin. Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako.
Explore 2 Mga Taga-Corinto 1:21-22
5
2 Mga Taga-Corinto 1:6
Kung naghihirap man kami, ito'y para sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad namin.
Explore 2 Mga Taga-Corinto 1:6
Home
Bible
Plans
Videos