1
Genesis 37:5
Magandang Balita Biblia (2005)
Minsan, nanaginip si Jose at lalong namuhi ang mga kapatid niya nang ito'y ikuwento niya sa kanila.
Compare
Explore Genesis 37:5
2
Genesis 37:3
Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito'y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas.
Explore Genesis 37:3
3
Genesis 37:4
Nang mahalata ng mga kapatid ni Jose na mas mahal siya ng kanilang ama, kinamuhian siya ng mga ito at ayaw siyang pakisamahang mabuti.
Explore Genesis 37:4
4
Genesis 37:9
Nanaginip muli si Jose at isinalaysay sa kanyang mga kapatid ang ganito: “Nakita ko sa aking panaginip na ang araw, ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko sa aking harapan.”
Explore Genesis 37:9
5
Genesis 37:11
Inggit na inggit kay Jose ang kanyang mga kapatid. Inisip-isip namang mabuti ng kanyang ama ang mga bagay na ito.
Explore Genesis 37:11
6
Genesis 37:6-7
Sabi ni Jose, “Napanaginipan ko, na tayo ay nasa bukid at nagbibigkis ng trigo. Tumayo ang aking binigkis at yumukod sa paligid nito ang inyong mga binigkis.”
Explore Genesis 37:6-7
7
Genesis 37:20
Patayin natin siya at ihulog sa balon, at sabihing siya'y sinila ng mabangis na hayop. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang mga panaginip.”
Explore Genesis 37:20
8
Genesis 37:28
Kaya't nang may dumaraang mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose'y dinala ng mga Ismaelita sa Egipto.
Explore Genesis 37:28
9
Genesis 37:19
Sinabi nila, “Ayan na ang mahilig managinip!
Explore Genesis 37:19
10
Genesis 37:18
Malayo pa'y natanaw na siya ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya.
Explore Genesis 37:18
11
Genesis 37:22
Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; ihulog na lamang natin sa balon.” Sinabi niya ito, sapagkat ang balak niya ay iligtas ang kapatid at dalhin ito sa kanyang ama.
Explore Genesis 37:22
Home
Bible
Plans
Videos