1
Mga Kawikaan 13:20
Magandang Balita Biblia (2005)
Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.
Compare
Explore Mga Kawikaan 13:20
2
Mga Kawikaan 13:3
Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.
Explore Mga Kawikaan 13:3
3
Mga Kawikaan 13:24
Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang.
Explore Mga Kawikaan 13:24
4
Mga Kawikaan 13:12
Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.
Explore Mga Kawikaan 13:12
5
Mga Kawikaan 13:6
Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.
Explore Mga Kawikaan 13:6
6
Mga Kawikaan 13:11
Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.
Explore Mga Kawikaan 13:11
7
Mga Kawikaan 13:10
Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.
Explore Mga Kawikaan 13:10
8
Mga Kawikaan 13:22
Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan.
Explore Mga Kawikaan 13:22
9
Mga Kawikaan 13:1
Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.
Explore Mga Kawikaan 13:1
10
Mga Kawikaan 13:18
Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.
Explore Mga Kawikaan 13:18
Home
Bible
Plans
Videos