1
Mga Taga-Roma 4:20-21
Magandang Balita Biblia (2005)
Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang tumibay sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. Lubos siyang naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito.
Compare
Explore Mga Taga-Roma 4:20-21
2
Mga Taga-Roma 4:17
gaya ng nasusulat, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito'y may bisa sa harap ng Diyos na kanyang sinampalatayanan, ang Diyos na nagbibigay-buhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na hindi pa nalilikha.
Explore Mga Taga-Roma 4:17
3
Mga Taga-Roma 4:25
Siya'y ipinapatay dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo'y mapawalang-sala.
Explore Mga Taga-Roma 4:25
4
Mga Taga-Roma 4:18
Kahit wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya'y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Sindami ng mga bituin ang iyong magiging lahi.”
Explore Mga Taga-Roma 4:18
5
Mga Taga-Roma 4:16
Kaya nga't sa pananampalataya nababatay ang pangako, upang ito'y maibigay bilang walang bayad na kaloob para sa lahat ng anak ni Abraham; hindi lamang sa mga saklaw ng Kautusan, kundi sa lahat ng sumasampalataya rin tulad ni Abraham. Sapagkat siya ang ama nating lahat
Explore Mga Taga-Roma 4:16
6
Mga Taga-Roma 4:7-8
“Mapalad ang mga taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan.”
Explore Mga Taga-Roma 4:7-8
7
Mga Taga-Roma 4:3
Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos; at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid.”
Explore Mga Taga-Roma 4:3
Home
Bible
Plans
Videos