1
I MGA CRONICA 16:11
Ang Biblia, 2001
Hanapin ninyo ang PANGINOON at ang kanyang lakas; palagi ninyong hanapin ang kanyang pakikiharap.
Compare
Explore I MGA CRONICA 16:11
2
I MGA CRONICA 16:34
O magpasalamat kayo sa PANGINOON sapagkat siya'y mabuti; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman.
Explore I MGA CRONICA 16:34
3
I MGA CRONICA 16:8
O kayo'y magpasalamat sa PANGINOON, tumawag kayo sa kanyang pangalan; ipakilala ninyo sa mga bayan ang kanyang mga gawa.
Explore I MGA CRONICA 16:8
4
I MGA CRONICA 16:10
Lumuwalhati kayo sa kanyang banal na pangalan; magalak ang puso ng mga nagsisihanap sa PANGINOON.
Explore I MGA CRONICA 16:10
5
I MGA CRONICA 16:12
Alalahanin ninyo ang kanyang kamanghamanghang mga gawa na kanyang ginawa; ang kanyang mga kababalaghan, ang mga hatol na kanyang binigkas
Explore I MGA CRONICA 16:12
6
I MGA CRONICA 16:9
Umawit kayo sa kanya, magsiawit kayo ng mga papuri sa kanya; ipahayag ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa.
Explore I MGA CRONICA 16:9
7
I MGA CRONICA 16:25
Sapagkat dakila ang PANGINOON at karapat-dapat purihin. Siya'y marapat na katakutan nang higit sa lahat ng diyos.
Explore I MGA CRONICA 16:25
8
I MGA CRONICA 16:29
Iukol ninyo sa PANGINOON ang kaluwalhatiang marapat sa kanyang pangalan; magdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya. Inyong sambahin ang PANGINOON sa banal na kaayusan.
Explore I MGA CRONICA 16:29
9
I MGA CRONICA 16:27
Karangalan at kamahalan ang nasa harapan niya, kalakasan at kasayahan ang nasa kanyang tahanan.
Explore I MGA CRONICA 16:27
10
I MGA CRONICA 16:23
Kayo'y magsiawit sa PANGINOON, buong lupa, ihayag ninyo ang kanyang pagliligtas sa araw-araw.
Explore I MGA CRONICA 16:23
11
I MGA CRONICA 16:24
Ipahayag ninyo ang kanyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, ang kanyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.
Explore I MGA CRONICA 16:24
12
I MGA CRONICA 16:22
na sinasabi, “Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis, huwag ninyong saktan ang aking mga propeta!”
Explore I MGA CRONICA 16:22
13
I MGA CRONICA 16:26
Sapagkat lahat ng diyos ng mga bayan ay mga diyus-diyosan; ngunit ang PANGINOON ang gumawa ng mga langit.
Explore I MGA CRONICA 16:26
14
I MGA CRONICA 16:15
Alalahanin ninyo ang kanyang tipan magpakailanman, ang salita na kanyang iniutos sa libu-libong salinlahi
Explore I MGA CRONICA 16:15
15
I MGA CRONICA 16:31
Magsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; at sabihin nila sa gitna ng mga bansa, “Ang PANGINOON ay naghahari!”
Explore I MGA CRONICA 16:31
16
I MGA CRONICA 16:36
Purihin ang PANGINOON, ang Diyos ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.” At sinabi ng buong bayan, “Amen!” at pinuri ang PANGINOON.
Explore I MGA CRONICA 16:36
17
I MGA CRONICA 16:28
Iukol ninyo sa PANGINOON, kayong mga angkan ng mga bayan, iukol ninyo sa PANGINOON ang kaluwalhatian at ang kalakasan.
Explore I MGA CRONICA 16:28
Home
Bible
Plans
Videos