1
I MGA TAGA-CORINTO 12:7
Ang Biblia, 2001
Subalit sa bawat isa ay ibinigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan ng lahat.
Compare
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:7
2
I MGA TAGA-CORINTO 12:27
Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa'y mga bahagi.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:27
3
I MGA TAGA-CORINTO 12:26
Kapag ang isang bahagi ay naghihirap, lahat ay naghihirap na kasama niya; o kapag ang isang bahagi ay pinararangalan, sama-samang nagagalak ang mga bahagi.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:26
4
I MGA TAGA-CORINTO 12:8-10
Sa isa ay ibinigay sa pamamagitan ng Espiritu ang salita ng karunungan, at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon sa gayunding Espiritu, sa iba'y pananampalataya sa pamamagitan ng gayunding Espiritu, at sa iba'y ang mga kaloob ng pagpapagaling sa pamamagitan ng isang Espiritu. Sa iba'y ang paggawa ng mga himala, sa iba'y propesiya, sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu, sa iba'y ang iba't ibang wika, at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:8-10
5
I MGA TAGA-CORINTO 12:11
Ang lahat ng ito ay pinakilos ng iisa at gayunding Espiritu, na namamahagi sa bawat isa ayon sa pasiya ng Espiritu.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:11
6
I MGA TAGA-CORINTO 12:25
upang huwag magkaroon ng pagkakagulo sa katawan, kundi ang mga bahagi ay magkaroon ng magkatulad na malasakit sa isa't isa.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:25
7
I MGA TAGA-CORINTO 12:4-6
May iba't ibang uri ng mga kaloob, subalit iisang Espiritu. At may iba't ibang uri ng paglilingkod, subalit iisang Panginoon. May iba't ibang uri ng gawain, subalit iisang Diyos na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:4-6
8
I MGA TAGA-CORINTO 12:28
At ang Diyos ay naglagay sa iglesya, una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga gumagawa ng himala, saka mga kaloob ng pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang uri ng wika.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:28
9
I MGA TAGA-CORINTO 12:14
Sapagkat ang katawan ay hindi iisang bahagi, kundi marami.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:14
10
I MGA TAGA-CORINTO 12:22
Sa halip, ang mga bahagi ng katawan na wari'y mahihina ay kailangan.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:22
11
I MGA TAGA-CORINTO 12:17-19
Kung ang buong katawan ay mata, saan naroroon ang pandinig? Kung ang lahat ay pandinig, saan naroroon ang pang-amoy. Subalit ngayon ay inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan, ang bawat isa sa kanila ayon sa kanyang ipinasiya. At kung ang lahat ay isang bahagi, saan naroroon ang katawan?
Explore I MGA TAGA-CORINTO 12:17-19
Home
Bible
Plans
Videos