1
I SAMUEL 17:45
Ang Biblia, 2001
Pagkatapos ay sinabi ni David sa Filisteo, “Lumalapit ka sa akin na may tabak, may maliit at malaking sibat, ngunit ako'y lumalapit sa iyo sa pangalan ng PANGINOON ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel na iyong hinahamon.
Compare
Explore I SAMUEL 17:45
2
I SAMUEL 17:47
at upang malaman ng buong kapulungang ito na hindi nagliligtas ang PANGINOON sa pamamagitan ng tabak o ng sibat. Ang labanang ito ay sa PANGINOON, at ibibigay niya kayo sa aming kamay.”
Explore I SAMUEL 17:47
3
I SAMUEL 17:37
Sinabi ni David, “Ang PANGINOON na nagligtas sa akin sa mga kuko ng leon at ng oso, ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito.” At sinabi ni Saul kay David, “Humayo ka at samahan ka ng PANGINOON.”
Explore I SAMUEL 17:37
4
I SAMUEL 17:46
Sa araw na ito ay ibibigay ka ng PANGINOON sa aking kamay, at ibubuwal kita, at pupugutin ko ang ulo mo. Ibibigay ko ang mga bangkay ng hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid at sa mababangis na hayop sa lupa sa araw na ito upang malaman ng buong lupa na may Diyos sa Israel
Explore I SAMUEL 17:46
5
I SAMUEL 17:40
Pagkatapos ay hinawakan niya ang kanyang tungkod sa kanyang kamay, at pumili siya ng limang makikinis na bato mula sa sapa at isinilid sa supot na pampastol na kanyang dala. Hawak niya ang tirador sa kanyang kamay at siya'y lumapit sa Filisteo.
Explore I SAMUEL 17:40
6
I SAMUEL 17:32
Sinabi ni David kay Saul, “Huwag manghina ang puso ng sinuman dahil sa kanya; ang iyong lingkod ay hahayo at lalabanan ang Filisteong ito.”
Explore I SAMUEL 17:32
Home
Bible
Plans
Videos