1
DEUTERONOMIO 28:1
Ang Biblia, 2001
“Kung susundin mo ang tinig ng PANGINOON mong Diyos at maingat mong gagawin ang lahat ng kanyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, itataas ka ng PANGINOON mong Diyos sa lahat ng mga bansa sa lupa
Compare
Explore DEUTERONOMIO 28:1
2
DEUTERONOMIO 28:2
at ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong susundin ang tinig ng PANGINOON mong Diyos.
Explore DEUTERONOMIO 28:2
3
DEUTERONOMIO 28:13
Gagawin ka ng PANGINOON na ulo at hindi buntot; ikaw ay magiging sa ibabaw lamang, at hindi ka mapapasailalim—kung iyong papakinggan ang mga utos ng PANGINOON mong Diyos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong susundin at gagawin.
Explore DEUTERONOMIO 28:13
4
DEUTERONOMIO 28:12
Bubuksan ng PANGINOON para sa iyo ang kanyang kamalig na punung-puno, ang langit, upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan, at upang pagpalain ang lahat mong ginagawa. Ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, at ikaw ay hindi hihiram.
Explore DEUTERONOMIO 28:12
5
DEUTERONOMIO 28:7
“Tatalunin ng PANGINOON sa harapan mo ang iyong mga kaaway na babangon laban sa iyo; sila'y lalabas laban sa iyo sa isang landas at tatakas sa harapan mo sa pitong landas.
Explore DEUTERONOMIO 28:7
6
DEUTERONOMIO 28:8
Igagawad sa iyo ng PANGINOON ang kanyang pagpapala sa iyong mga kamalig at sa lahat ng iyong gagawin at pagpapalain ka niya sa lupain na ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos.
Explore DEUTERONOMIO 28:8
7
DEUTERONOMIO 28:6
Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok at magiging mapalad ka sa iyong paglabas.
Explore DEUTERONOMIO 28:6
8
DEUTERONOMIO 28:3
Magiging mapalad ka sa lunsod, at magiging mapalad ka sa parang.
Explore DEUTERONOMIO 28:3
9
DEUTERONOMIO 28:4
Magiging mapalad ang bunga ng iyong katawan, ang bunga ng iyong lupa, ang bunga ng iyong mga hayop, ang karagdagan sa iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.
Explore DEUTERONOMIO 28:4
10
DEUTERONOMIO 28:9
Itatatag ka ng PANGINOON na isang banal na bayan para sa kanya, gaya ng kanyang ipinangako sa iyo, kung iyong gaganapin ang mga utos ng PANGINOON mong Diyos, at lalakad ka sa kanyang mga daan.
Explore DEUTERONOMIO 28:9
11
DEUTERONOMIO 28:5
Magiging mapalad ang iyong buslo at ang iyong masahan ng harina.
Explore DEUTERONOMIO 28:5
12
DEUTERONOMIO 28:11
Ikaw ay pasasaganain ng PANGINOON sa ikabubuti mo, sa bunga ng iyong katawan, at sa bunga ng iyong mga hayop, at sa bunga ng iyong lupa, sa lupaing ipinangako ng PANGINOON sa iyong mga ninuno upang ibigay sa iyo.
Explore DEUTERONOMIO 28:11
13
DEUTERONOMIO 28:10
Makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng PANGINOON at sila'y matatakot sa iyo.
Explore DEUTERONOMIO 28:10
14
DEUTERONOMIO 28:14
Huwag kang lilihis sa alinmang salita na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, sa kanan o sa kaliwa, upang sumunod sa ibang mga diyos at paglingkuran sila.
Explore DEUTERONOMIO 28:14
15
DEUTERONOMIO 28:15
“Ngunit kung hindi mo papakinggan ang tinig ng PANGINOON mong Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng lahat ng kanyang mga utos at tuntunin na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.
Explore DEUTERONOMIO 28:15
Home
Bible
Plans
Videos