1
JEREMIAS 8:22
Ang Biblia, 2001
Wala bang pamahid na gamot sa Gilead? Wala bang manggagamot doon? Bakit nga hindi pa naibabalik ang kalusugan ng anak na babae ng aking bayan?
Compare
Explore JEREMIAS 8:22
2
JEREMIAS 8:4
“Sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng PANGINOON! Kapag nabubuwal ang mga tao, di ba't muling bumabangon sila? Kapag ang isang tao'y tumalikod, hindi ba't bumabalik siya?
Explore JEREMIAS 8:4
3
JEREMIAS 8:7
Maging ang tagak sa himpapawid ay nakakaalam ng kanyang kapanahunan; at ang batu-bato, langay-langayan, at tagak ay tumutupad sa panahon ng kanilang pagdating, ngunit hindi nalalaman ng aking bayan ang alituntunin ng PANGINOON.
Explore JEREMIAS 8:7
4
JEREMIAS 8:6
Aking pinakinggan at aking narinig, ngunit hindi sila nagsalita nang matuwid; walang nagsisisi sa kanyang kasamaan, na nagsasabi, ‘Anong aking ginawa?’ Bawat isa'y tumatahak sa kanyang sariling daanan, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa labanan.
Explore JEREMIAS 8:6
5
JEREMIAS 8:9
Ang mga taong pantas ay mapapahiya, sila'y masisindak at kukunin; narito, kanilang itinakuwil ang salita ng PANGINOON, at anong karunungan ang nasa kanila?
Explore JEREMIAS 8:9
Home
Bible
Plans
Videos