1
JOSUE 10:13
Ang Biblia, 2001
At ang araw ay tumigil at ang buwan ay huminto, hanggang sa ang bansa ay nakapaghiganti sa kanyang mga kaaway. Hindi ba ito'y nakasulat sa aklat ni Jaser? Ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
Compare
Explore JOSUE 10:13
2
JOSUE 10:12
Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa PANGINOON nang araw na ibinigay ng PANGINOON ang mga Amoreo sa harapan ng mga anak ni Israel; at kanyang sinabi sa paningin ng Israel, “Araw, tumigil ka sa Gibeon; at ikaw, Buwan, sa libis ng Aijalon.”
Explore JOSUE 10:12
3
JOSUE 10:14
At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyon bago noon o pagkatapos noon, na ang PANGINOON ay nakinig sa tinig ng isang tao; sapagkat ipinakipaglaban ng PANGINOON ang Israel.
Explore JOSUE 10:14
4
JOSUE 10:8
Sinabi ng PANGINOON kay Josue, “Huwag mo silang katakutan sapagkat ibinigay ko sila sa iyong mga kamay; walang lalaki sa kanila na makakatayo laban sa iyo.”
Explore JOSUE 10:8
5
JOSUE 10:25
At sinabi ni Josue sa kanila, “Huwag kayong matakot ni mabagabag; kayo'y magpakalakas at magpakatapang, sapagkat ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong nilalabanan.”
Explore JOSUE 10:25
Home
Bible
Plans
Videos