1
LUCAS 11:13
Ang Biblia, 2001
Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya?”
Compare
Explore LUCAS 11:13
2
LUCAS 11:9
At sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo, at kayo'y makakakita; tumuktok kayo at kayo'y pagbubuksan.
Explore LUCAS 11:9
3
LUCAS 11:10
Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap, at ang humahanap ay nakakatagpo, at ang tumutuktok ay pinagbubuksan.
Explore LUCAS 11:10
4
LUCAS 11:2
Sinabi niya sa kanila, “Kapag kayo'y nananalangin, inyong sabihin, ‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo.
Explore LUCAS 11:2
5
LUCAS 11:4
At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan, sapagkat pinatatawad naman namin ang bawat nagkakautang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.’”
Explore LUCAS 11:4
6
LUCAS 11:3
Ibigay mo sa amin sa bawat araw ang aming pang-araw-araw na pagkain.
Explore LUCAS 11:3
7
LUCAS 11:34
Ang ilawan ng katawan ay ang iyong mata. Kung malusog ang iyong mata, ang buong katawan mo ay punô ng liwanag. Subalit kung ito'y hindi malusog, ang katawan mo ay punô ng kadiliman.
Explore LUCAS 11:34
8
LUCAS 11:33
Walang sinuman na pagkatapos magsindi ng ilawan ay inilalagay ito sa isang tagong lugar o sa ilalim ng takalan, kundi sa patungan ng ilaw upang makita ng mga pumapasok ang liwanag.
Explore LUCAS 11:33
Home
Bible
Plans
Videos