Ang PANGINOON ay namumuhi sa anim na bagay,
oo, pito ang sa kanya'y kasuklamsuklam:
Mga palalong mata, sinungaling na dila,
at mga kamay na nagbububo ng dugong walang sala,
pusong kumakatha ng masasamang plano,
mga paang sa kasamaan ay nagmamadali sa pagtakbo;
bulaang saksi na nagsasalita ng kasinungalingan,
at ang naghahasik sa magkakapatid ng kaguluhan.