1
MGA AWIT 19:14
Ang Biblia, 2001
Nawa'y ang mga salita ng bibig ko, at ang pagbubulay-bulay ng aking puso ay maging katanggap-tanggap sa paningin mo, O PANGINOON, ang aking malaking bato at manunubos ko.
Compare
Explore MGA AWIT 19:14
2
MGA AWIT 19:7
Ang kautusan ng PANGINOON ay sakdal, na nagpapanauli ng kaluluwa; ang patotoo ng PANGINOON ay tiyak, na nagpapatalino sa kulang sa kaalaman.
Explore MGA AWIT 19:7
3
MGA AWIT 19:1
Nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos ang kalangitan, at ang mga gawa ng kanyang kamay ay inihahayag ng kalawakan.
Explore MGA AWIT 19:1
4
MGA AWIT 19:8
Ang mga tuntunin ng PANGINOON ay matuwid, na nagpapagalak sa puso; ang utos ng PANGINOON ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.
Explore MGA AWIT 19:8
5
MGA AWIT 19:9
Ang pagkatakot sa PANGINOON ay malinis, na nananatili magpakailanman: ang mga kahatulan ng PANGINOON ay totoo at lubos na makatuwiran.
Explore MGA AWIT 19:9
Home
Bible
Plans
Videos