1
MGA KAWIKAAN 3:5-6
Ang Biblia (1905/1982)
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, At kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
Compare
Explore MGA KAWIKAAN 3:5-6
2
MGA KAWIKAAN 3:7
Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan
Explore MGA KAWIKAAN 3:7
3
MGA KAWIKAAN 3:9-10
Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, At ng mga unang bunga ng lahat mong ani: Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, At ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.
Explore MGA KAWIKAAN 3:9-10
4
MGA KAWIKAAN 3:3
Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: Itali mo sa palibot ng iyong leeg; Ikintal mo sa iyong puso
Explore MGA KAWIKAAN 3:3
5
MGA KAWIKAAN 3:11-12
Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; Ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
Explore MGA KAWIKAAN 3:11-12
6
MGA KAWIKAAN 3:1-2
Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; Kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.
Explore MGA KAWIKAAN 3:1-2
7
MGA KAWIKAAN 3:13-15
Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. Mahalaga nga kay sa mga rubi; At wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya
Explore MGA KAWIKAAN 3:13-15
8
MGA KAWIKAAN 3:27
Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin.
Explore MGA KAWIKAAN 3:27
9
MGA KAWIKAAN 3:19
Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.
Explore MGA KAWIKAAN 3:19
Home
Bible
Plans
Videos