May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon;
Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
Mga palalong mata, sinungaling na dila,
At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
Puso na kumakatha ng mga masamang akala,
Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan,
At ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.