1
Ang Mangangaral 4:9-10
Magandang Balita Bible (Revised)
Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal.
Compare
Explore Ang Mangangaral 4:9-10
2
Ang Mangangaral 4:12
Kung ang nag-iisa'y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot.
Explore Ang Mangangaral 4:12
3
Ang Mangangaral 4:11
Kung malamig ang panahon, maaari silang magtabi sa higaan upang parehong mainitan. Ngunit saan siya kukuha ng init kung nag-iisa siya?
Explore Ang Mangangaral 4:11
4
Ang Mangangaral 4:6
Ngunit mas mabuti pa ang isang dakot na may katahimikan, kaysa dalawang dakot ng pagpapakapagod, at paghahabol sa hangin.
Explore Ang Mangangaral 4:6
5
Ang Mangangaral 4:4
Nakita ko ring ang tao'y nagpapakapagod upang mahigitan ang kanyang kapwa. Ngunit ito man ay walang kabuluhan, tulad lang ng paghahabol sa hangin.
Explore Ang Mangangaral 4:4
6
Ang Mangangaral 4:13
Ang isang batang mahirap ngunit matalino ay mabuting di hamak kaysa sa isang matandang haring mangmang na ayaw nang tumanggap ng payo.
Explore Ang Mangangaral 4:13
Home
Bible
Plans
Videos