1
Mga Taga-Filipos 4:6
Magandang Balita Bible (Revised)
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.
Compare
Explore Mga Taga-Filipos 4:6
2
Mga Taga-Filipos 4:7
At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Explore Mga Taga-Filipos 4:7
3
Mga Taga-Filipos 4:8
Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.
Explore Mga Taga-Filipos 4:8
4
Mga Taga-Filipos 4:13
Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.
Explore Mga Taga-Filipos 4:13
5
Mga Taga-Filipos 4:4
Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!
Explore Mga Taga-Filipos 4:4
6
Mga Taga-Filipos 4:19
At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Explore Mga Taga-Filipos 4:19
7
Mga Taga-Filipos 4:9
Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Explore Mga Taga-Filipos 4:9
8
Mga Taga-Filipos 4:5
Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon.
Explore Mga Taga-Filipos 4:5
9
Mga Taga-Filipos 4:12
Naranasan ko na ang maghikahos; naranasan ko na rin ang managana; natutuhan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.
Explore Mga Taga-Filipos 4:12
10
Mga Taga-Filipos 4:11
Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan.
Explore Mga Taga-Filipos 4:11
Home
Bible
Plans
Videos