1
Mga Kawikaan 16:3
Magandang Balita Bible (Revised)
Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.
Compare
Explore Mga Kawikaan 16:3
2
Mga Kawikaan 16:9
Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.
Explore Mga Kawikaan 16:9
3
Mga Kawikaan 16:24
Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.
Explore Mga Kawikaan 16:24
4
Mga Kawikaan 16:1
Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.
Explore Mga Kawikaan 16:1
5
Mga Kawikaan 16:32
Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan.
Explore Mga Kawikaan 16:32
6
Mga Kawikaan 16:18
Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.
Explore Mga Kawikaan 16:18
7
Mga Kawikaan 16:2
Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos.
Explore Mga Kawikaan 16:2
8
Mga Kawikaan 16:20
Ang sumusunod sa payo ay mananagana, at mapalad ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala.
Explore Mga Kawikaan 16:20
9
Mga Kawikaan 16:8
Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.
Explore Mga Kawikaan 16:8
10
Mga Kawikaan 16:25
May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.
Explore Mga Kawikaan 16:25
11
Mga Kawikaan 16:28
Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.
Explore Mga Kawikaan 16:28
Home
Bible
Plans
Videos