1
Mga Taga-Roma 3:23-24
Magandang Balita Bible (Revised)
Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob, sila ay pinawalang-sala na niya sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila.
Compare
Explore Mga Taga-Roma 3:23-24
2
Mga Taga-Roma 3:22
Pinapawalang-sala ng Diyos ang lahat ng sumasampalataya kay Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya, maging Judio man o Hentil.
Explore Mga Taga-Roma 3:22
3
Mga Taga-Roma 3:25-26
Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya'y matuwid. Noong unang panahon, nagtimpi siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. Ngunit ngayon ay tuwirang ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at siya ang nagpapawalang-sala sa mga sumasampalataya kay Jesus.
Explore Mga Taga-Roma 3:25-26
4
Mga Taga-Roma 3:20
Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, dahil ang gawain ng Kautusan ay ang ipamukha sa tao na siya'y nagkasala.
Explore Mga Taga-Roma 3:20
5
Mga Taga-Roma 3:10-12
Ayon sa nasusulat, “Walang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”
Explore Mga Taga-Roma 3:10-12
6
Mga Taga-Roma 3:28
Kung gayon, maliwanag na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya mapapawalang-sala ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan.
Explore Mga Taga-Roma 3:28
7
Mga Taga-Roma 3:4
Hinding-hindi! Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat, “Upang kilalanin kang matuwid sa iyong mga salita, at manaig ka kung hahatulan ka na.”
Explore Mga Taga-Roma 3:4
Home
Bible
Plans
Videos