1
Mga Taga-Roma 6:23
Magandang Balita Bible (Revised)
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Compare
Explore Mga Taga-Roma 6:23
2
Mga Taga-Roma 6:14
Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo'y hindi na namumuhay sa ilalim ng kautusan kundi sa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos.
Explore Mga Taga-Roma 6:14
3
Mga Taga-Roma 6:4
Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.
Explore Mga Taga-Roma 6:4
4
Mga Taga-Roma 6:13
Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.
Explore Mga Taga-Roma 6:13
5
Mga Taga-Roma 6:6
Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.
Explore Mga Taga-Roma 6:6
6
Mga Taga-Roma 6:11
Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili bilang patay na sa kasalanan ngunit buháy naman dahil sa Diyos, sapagkat kayo'y nakipag-isa na kay Cristo Jesus.
Explore Mga Taga-Roma 6:11
7
Mga Taga-Roma 6:1-2
Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? Hinding-hindi! Tayo'y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala?
Explore Mga Taga-Roma 6:1-2
8
Mga Taga-Roma 6:16
Hindi ba ninyo alam na kapag nagpasakop kayo sa sinumang inyong sinusunod, kayo'y nagiging alipin nito, maging ito'y kasalanang hahantong sa kamatayan, o ang pagsunod sa Diyos na hahantong sa katuwiran?
Explore Mga Taga-Roma 6:16
9
Mga Taga-Roma 6:17-18
Ngunit salamat sa Diyos, kayong dating mga alipin ng kasalanan ay taos pusong sumunod sa aral na ibinigay sa inyo. Pinalaya na kayo sa kasalanan at kayo ngayon ay mga alipin na ng katuwiran.
Explore Mga Taga-Roma 6:17-18
Home
Bible
Plans
Videos