1 Cronica 2
2
Ang mga Anak ni Israel
1Ito ang mga anak na lalaki ni Israel: Reuben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, 2Dan, Jose, Benjamin, Naftali, Gad at Asher.
Ang Lahi ni Juda
3May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na Cananea. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon. 4May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Perez at Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda. 5Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hezron at Hamul. 6Lima lahat ang anak na lalaki ni Zera: sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda.#2:6 Darda: o, Dara. 7Ang anak na lalaki ni Carmi#2:7 Carmi: Maaaring siya ay anak ni Zimri. ay si Acar.#2:7 Acar: o, Acan. Si Acar ang nagdala ng kasamaan sa Israel dahil kinuha niya ang bagay na inilaan nang buo#2:7 inilaan nang buo: Mga samsam na nakalaang sirain lahat bilang handog sa Dios. para sa Dios. 8Ang anak na lalaki ni Etan ay si Azaria.
Ang Lahi na Pinagmulan ni David
9Ang mga anak na lalaki ni Hezron ay sina Jerameel, Ram at Caleb.#2:9 Caleb: sa Hebreo, ay Kelubai. 10Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab naman ang ama ni Nashon na pinuno ng lahi ni Juda. 11Si Nashon ang ama ni Salmon,#2:11 Salmon: sa Hebreo, Salma. at si Salmon ang ama ni Boaz. 12Si Boaz ang ama ni Obed at si Obed ang ama ni Jesse. 13Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Shimea, 14ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai, 15ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David. 16Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruya at Abigail. Si Zeruya ay may tatlong anak na lalaki, sina Abishai, Joab at Asahel. 17Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ishmaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.
Ang Angkan ni Hezron
18Ang anak ni Hezron na si Caleb ay may mga anak sa asawa niyang si Azuba na tinatawag ding Jeriot. Sila ay sina Jesher, Shobab at Ardon. 19Pagkamatay ni Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrat#2:19 Efrat: o, Efrata. at ang naging anak nila ay si Hur. 20Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel. 21Noong 60 taong gulang na si Hezron, napangasawa niya ang anak ni Makir, ang kapatid na babae ni Gilead. Si Segub ang naging anak nila. 22Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng 23 bayan sa Gilead. 23(Dumating ang panahon na inagaw ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair#2:23 mga bayan ni Jair: o, Havot Jair. at ang Kenat, pati ang 60 bayan sa paligid nito.) Silang lahat ang angkan ni Makir na ama ni Gilead.
24Kamamatay lang ni Hezron sa Caleb Efrata nang manganak ang asawa niyang si Abijah. Ang anak niya ay si Ashur na ama ni Tekoa.
Ang Angkan ni Jerameel na Anak ni Hezron
25Ito ang mga anak na lalaki ni Jerameel na panganay na anak ni Hezron: Si Ram ang panganay, sumunod sina Buna, Oren, Ozem at Ahia. 26Si Jerameel ay may isa pang asawa na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam. 27Ang mga anak na lalaki ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin at Eker.
28Ang mga anak na lalaki ni Onam ay sina Shamai at Jada. Ang mga anak na lalaki ni Shamai ay sina Nadab at Abishur.
29Ang pangalan ng asawa ni Abishur ay Abihail. May mga anak silang lalaki, sina Aban at Molid.
30Ang mga anak na lalaki ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.
31Ang anak na lalaki ni Apaim ay si Ishi. Si Ishi ang ama ni Sheshan at si Sheshan ang ama ni Alai. 32Ang mga anak na lalaki ni Jada na kapatid ni Shamai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak. 33Ang mga anak na lalaki ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Silang lahat ang angkan ni Jerameel.
34Walang anak na lalaki si Sheshan, kundi puro babae. May alipin siyang Egipcio na ang pangalan ay Jarha. 35Ibinigay ni Sheshan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai. 36Si Atai ang ama ni Natan, at si Natan ang ama ni Zabad, 37si Zabad naman ang ama ni Eflal, si Eflal ang ama ni Obed, 38si Obed ang ama ni Jehu, at si Jehu ang ama ni Azaria. 39Si Azaria ang ama ni Helez, si Helez ang ama ni Eleasa, 40at si Eleasa ang ama ni Sismai. Si Sismai ang ama ni Shalum, 41si Shalum ang ama ni Jekamia, at si Jekamia ang ama ni Elishama.
Ang Iba pang Angkan ni Caleb
42Ang panganay na anak na lalaki ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na ama ni Zif. Ang ikalawa niyang anak ay si Maresha na ama ni Hebron. 43Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem at Shema. 44Si Shema ang ama ni Raham, at si Raham ang ama ni Jorkeam. Si Rekem ang ama ni Shamai, 45si Shamai ang ama ni Maon, at si Maon ang ama ni Bet Zur.
46Ang isa pang asawa ni Caleb na si Efa ang ina nina Haran, Moza at Gazez. May anak si Haran na Gazez din ang pangalan.
47Ang mga anak na lalaki ni Jadai ay sina Regem, Jotam, Geshan, Pelet, Efa at Shaaf.
48Ang isa pang asawa ni Caleb ay si Maaca. May mga anak silang lalaki na sina Sheber, Tirhana, 49Shaaf na ama ni Madmana at Sheva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa. 50Sila ang angkan ni Caleb.
Ang Angkan ng Anak ni Caleb na si Hur.
Si Hur ang panganay na anak ni Caleb at ni Efrata. Ang mga anak na lalaki ni Hur ay sina Shobal na ama ni Kiriat Jearim, 51si Salma na ama ni Betlehem, at si Haref na ama ni Bet Gader. 52Ang angkan ni Shobal na ama ni Kiriat Jearim ay ang mga Haroe, ang kalahati ng mga naninirahan sa Manahat,#2:52 naninirahan sa Manahat: o, Manahateo. 53at ang angkan ni Kiriat Jearim ay ang mga Itreo, Puteo, Sumateo at Misraita. Sila ang pinagmulan ng mga Zoratita at mga Estaolita.
54Ang angkan ni Salma ay ang mga taga-Betlehem, mga taga-Netofa, mga taga-Atrot Bet Joab, ang kalahati ng mga Manahateo, at ang mga Zorita. 55Ang lahi ng mga Tirateo, Shimeateo at Sucateo na magagaling sumulat ng mga dokumento ay nakatira sa bayan ng Jabez. Sila ang mga Keneo na nagmula kay Hamat, na ama ng pamilya ni Bet Recab.#2:55 Recab: o, Pinagmulan ng angkan ni Recab.
Currently Selected:
1 Cronica 2: ASND
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: