Salmo 115
115
Salmo 115
Iisa ang Tunay na Dios
1 Panginoon, hindi kami ang dapat na parangalan,
kundi kayo, dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.
2Bakit kami kinukutya ng ibang bansa at sinasabi nilang,
“Nasaan na ang inyong Dios?”
3Ang aming Dios ay nasa langit,
at ginagawa niya ang kanyang nais.
4Ngunit ang kanilang mga dios ay yari sa pilak at ginto na gawa lang ng tao.
5May bibig sila, ngunit hindi nakakapagsalita;
may mga mata, ngunit hindi nakakakita.
6May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig;
may ilong, ngunit hindi nakakaamoy.
7May mga kamay, ngunit hindi nakakahawak;
may mga paa, ngunit hindi nakakalakad,
at kahit munting tinig ay wala kang marinig.
8Ang mga gumawa ng mga dios-diosan at nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito.
9-10Kayong mga mamamayan ng Israel at kayong mga angkan ni Aaron,
magtiwala kayo sa Panginoon.
Siya ang tutulong at mag-iingat sa inyo.
11Kayong mga may takot sa Panginoon,
magtiwala kayo sa kanya.

12Hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon,
pagpapalain niya ang mga mamamayan ng Israel at ang mga angkan ni Aaron.
13Pagpapalain niya ang lahat ng may takot sa kanya, dakila man o aba.
14Paramihin sana kayo ng Panginoon,
kayo at ang inyong mga angkan.
15Sanaʼy pagpalain kayo ng Panginoon na lumikha ng langit at ng lupa.
16Ang kalangitan ay sa Panginoon, ngunit ang mundo ay ipinagkatiwala niya sa mga tao.
17Ang mga patay ay hindi na makakapagpuri sa Panginoon, dahil sila ay nananahimik na.
18Tayong mga buhay ang dapat magpuri sa Panginoon ngayon at magpakailanman.
Purihin ang Panginoon!
Currently Selected:
Salmo 115: ASND
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: