YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 120

120
Salmo 120#120 Salmo 120 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit habang paakyat.
Dalangin para Tulungan ng Dios
1Sa aking paghihirap akoʼy tumawag sa Panginoon,
at akoʼy kanyang sinagot.
2 Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sinungaling.
3Kayong mga sinungaling, ano kaya ang ipaparusa ng Dios sa inyo?
4Parurusahan niya kayo sa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawal at nagliliyab na baga.
5Nakakaawa ako dahil naninirahan akong kasama ng mga taong kasinsama ng mga taga-Meshec at mga taga-Kedar.
6Matagal na rin akong naninirahang kasama ng mga walang hilig sa kapayapaan.
7Ang nais koʼy kapayapaan, ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan, ang gusto nilaʼy digmaan.

Currently Selected:

Salmo 120: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in