YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 64

64
Salmo 64#64 Salmo 64 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David para sa direktor ng mga mang-aawit.
Ang Parusa sa Masasamang Tao
1O Dios, pakinggan nʼyo ang daing ko!
Ingatan nʼyo ang buhay ko mula sa banta ng aking mga kaaway.
2Ingatan nʼyo ako sa kasamaang pinaplano nila.
3Naghahanda sila ng matatalim na salita,
na gaya ng espada at palasong nakakasugat.
4 Nagsasalita sila ng masakit sa likod ng mga taong matuwid
na parang namamana nang patago.
Bigla nila itong ginagawa nang walang katakot-takot.
5Hinihikayat nila ang isaʼt isa na gumawa ng kasamaan
at pinag-uusapan nila kung saan maglalagay ng bitag.
Sinasabi nila, “Walang makakakita nito.”
6Nagpaplano sila ng masama at sinasabi, “Napakaganda ng plano natin!”
Talagang napakatuso ng isip at puso ng tao!
7Ngunit papanain sila ng Dios at bigla na lang silang masusugatan.
8Mapapahamak sila dahil sa masasama nilang sinabi,
kukutyain sila ng mga makakakita sa kanila.
9At lahat ng tao ay matatakot.
Pag-iisipan nila ang mga ginawa ng Dios at ipahahayag ito sa iba.
10Magagalak at manganganlong sa Panginoon ang lahat ng matuwid.
At magpupuri sa kanya ang mga gumagawa ng tama.

Currently Selected:

Salmo 64: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in