Salmo 68
68
Salmo 68#68 Salmo 68 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David para sa direktor ng mga mang-aawit.
Awit ng Pagtatagumpay
1Kumilos sana ang Dios, at ikalat ang kanyang mga kaaway.
Magsitakas na sana palayo silang mga galit sa kanya.
2Itaboy sana sila ng Dios gaya ng usok na tinatangay ng hangin.
Mamatay sana sa harapan niya ang mga masasama, gaya ng kandilang natutunaw sa apoy.
3Ngunit ang matutuwid ay sisigaw sa galak sa kanyang harapan.
4Awitan ninyo ang Dios,
awitan ninyo siya ng mga papuri.
Purihin nʼyo siya,#68:4 Purihin nʼyo siya: o, Ihanda ninyo ang kanyang dadaanan. na siyang may hawak sa mga ulap.#68:4 na siyang may hawak sa mga ulap: sa literal, na siyang nakasakay sa mga ulap.
Ang kanyang pangalan ay Panginoon.
Magalak kayo sa kanyang harapan!
5Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga#68:5 nangangalaga: sa literal, ama. sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.
6Ibinibigay niya sa isang pamilya ang sinumang nag-iisa sa buhay.
Pinalalaya rin niya ang mga binihag nang walang kasalanan
at binibigyan sila ng masaganang buhay.
Ngunit ang mga suwail, sa mainit at tigang na lupa maninirahan.
7O Dios, nang pangunahan nʼyo sa paglalakbay sa ilang ang inyong mga mamamayan,
8nayanig ang lupa at bumuhos ang ulan sa inyong harapan,
O Dios ng Israel na nagpahayag sa Sinai.
9Nagpadala kayo ng masaganang ulan at ang lupang tigang na ipinamana nʼyo sa inyong mga mamamayan ay naginhawahan.
10Doon sila nanirahan, at sa inyong kagandahang-loob ay binigyan nʼyo ang mga mahihirap ng kanilang mga pangangailangan.
11Panginoon, nagpadala kayo ng mensahe,
at itoʼy ibinalita ng maraming kababaihan:
12“Nagsisitakas ang mga hari at ang kanilang mga hukbo!
Ang mga naiwan nilang kayamanan ay pinaghati-hatian ng mga babae ng Israel.
13Kahit na ang mga tagapag-alaga ng hayop
ay nakakuha ng mga naiwang bagay gaya ng imahen ng
kalapati, na ang mga pakpak ay nababalutan ng pilak
at ang dulo nito ay nababalutan ng purong ginto.”
14Nang ikalat ng makapangyarihang Dios ang mga haring iyon,
pinaulanan niya ng yelo ang lugar ng Zalmon.#68:14 pinaulanan … Zalmon: Kung may yelo, mahirap tumakas; at lalo na kung makapal ang ito, hindi makikita ang daan upang makatakas.
15Napakataas at napakaganda ng bundok ng Bashan; maraming taluktok ang bundok na ito.
16Ngunit bakit ito nainggit sa bundok ng Zion na pinili ng Dios bilang maging tahanan niya magpakailanman?
17Dumating ang Panginoong Dios sa kanyang templo mula sa Sinai kasama ang libu-libo niyang karwahe.
18Nang umakyat siya sa mataas na lugar,#68:18 mataas na lugar: o, langit. marami siyang dinalang bihag.
Tumanggap siya ng regalo mula sa mga tao, pati na sa mga naghimagsik sa kanya.
At doon maninirahan ang Panginoong Dios.#68:18 At doon … Dios: sa tekstong Syriac, Binigyan niya ng regalo ang mga tao; ngunit ang mga taong naghimagsik ay hindi mananahan sa piling ng Dios.
19Purihin ang Panginoon,
ang Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.
20Ang ating Dios ang siyang Dios na nagliligtas!
Siya ang Panginoong Dios na nagliligtas sa atin sa kamatayan.
21Tiyak na babasagin ng Dios ang ulo ng kanyang mga kaaway na patuloy sa pagkakasala.
22Sinabi ng Panginoon, “Pababalikin ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan;
pababalikin ko sila mula sa kailaliman ng dagat,
23upang patayin sila at tapak-tapakan ninyo ang kanilang dugo
at magsasawa ang inyong mga aso sa paghimod ng kanilang dugo.”
24O Dios na aking Hari, nakita ng lahat ang inyong parada ng tagumpay papunta sa inyong templo.
25Nasa unahan ang mga mang-aawit at nasa hulihan ang mga tumutugtog;
at sa gitna naman ay ang mga babaeng tumutugtog ng tamburin.
26 Sumisigaw sila, “Purihin ang Dios sa inyong mga pagtitipon!
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mula sa lahi ng Israel.”
27Nauuna ang maliit na lahi ni Benjamin,
kasunod ang mga pinuno ng Juda kasama ang kanilang lahi,
at sinusundan ng mga pinuno ng Zebulun at Naftali.
28O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,#68:28 O Dios … kapangyarihan: Ito ang nasa tekstong Septuagint, Syriac at sa ibang tekstong Hebreo. Pero sa tekstong Masoretic, Binigyan kayo ng kapangyarihan ng inyong Dios.
katulad ng ginawa nʼyo sa amin noon.
29Dahil sa inyong templo sa Jerusalem magkakaloob ng mga regalo ang mga hari para sa inyo.
30Sawayin nʼyo ang bansang kaaway na parang mabagsik na hayop sa talahiban.
Pati na rin ang mga taong tila mga torong kasama ng mga guya
hanggang sa silaʼy sumuko at maghandog ng kanilang mga pilak sa inyo.
Ikalat nʼyo ang mga taong natutuwa kapag may digmaan.
31Magpapasakop ang mga taga-Egipto sa inyo.
Ang mga taga-Etiopia ay magmamadaling magbigay ng kaloob sa inyo.
32Umawit kayo sa Dios, kayong mga mamamayan ng mga kaharian sa mundo.
Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
33na naglalakbay sa kalangitan mula pa nang pasimula.
Pakinggan ninyo ang kanyang dumadagundong na tinig.
34Ipahayag ninyo ang kapangyarihan ng Dios na naghahari sa buong Israel.
Ang kalangitan ang nagpapakita ng kanyang kapangyarihan.
35Kahanga-hanga ang Dios ng Israel habang siyaʼy lumalabas sa kanyang banal na tahanan.
Binibigyan niya ng kapangyarihan at kalakasan ang kanyang mga mamamayan.
Purihin ang Dios!
Currently Selected:
Salmo 68: ASND
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: