Amos 8
8
Ang Pangitain Tungkol sa Isang Basket ng Prutas
1Ipinakita naman sa akin ng Panginoong Yahweh ang isang basket ng prutas. 2Sinabi niya, “Amos, ano ang nakikita mo?” “Isa pong basket ng prutas,” sagot ko. At sinabi sa akin ni Yahweh,
“Dumating na ang wakas#2 wakas: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “prutas” at “wakas” ay magkasintunog. ng Israel.
Ang pagpaparusa sa kanila'y di ko na maipagpapaliban pa.
3At sa araw na iyon, malulungkot na awitin ang maririnig sa palasyo.#3 palasyo: o kaya'y Templo.
May mga bangkay na naghambalang sa labas
at maghahari ang katahimikan.”
Ang Kapahamakan ng Israel
4Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan,
at kayong umaapi sa mga dukha.
5Ang sabi ninyo sa inyong sarili,
“Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang.
Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani.
Kailan ba matatapos ang Sabbath,
para maipagbili namin ang mga trigo?
Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan,
at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.
6Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak,
at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas.
At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.”
7Sumumpa si Yahweh, ang Diyos ng Israel,
“Hindi ko na mapapatawad ang masasama nilang gawa.
8Magkakaroon ng lindol sa lupa at mananangis ang bawat isa.
Mayayanig ang buong bayan; tataas-bababâ ito na tulad ng Ilog Nilo.”
9Sa araw na iyon, sabi ng Panginoong Yahweh,
“Lulubog ang araw sa katanghaliang-tapat,
at magdidilim sa buong maghapon.
10Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian;
at ang masasayang awitin ninyo'y magiging panaghoy.
Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa,
at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo.
Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak.
Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.”
11Sinabi ng Panginoong Yahweh,
“Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom.
Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig,
kundi sa pakikinig ng aking mga salita.
12Mula sa hilaga papuntang timog,
mula sa silangan hanggang sa kanluran,
hahanapin nila ang salita ni Yahweh,
subalit iyon ay hindi nila matatagpuan.
13Dahil sa matinding pagkauhaw na ito,
mawawalan ng malay-tao ang magagandang dalaga at ang malalakas na binata.
14Ang mga sumusumpa sa pangalan ng mga diyus-diyosan sa Samaria,
ang mga nagsasabing, ‘Sa ngalan ng diyos ng Dan,’
at ‘Sa ngalan ng diyos ng Beer-seba,’
sila'y mabubuwal at hindi na makakabangon pa.”
Currently Selected:
Amos 8: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: