Hosea 12
12
1Ang Efraim ay umaasa sa wala,
at maghapong naghahabol sa hangin.
Puro kasinungalingan at karahasan ang ginagawa;
nakikipag-isa sa Asiria,
at nakikipagkalakal sa Egipto.”
2May paratang si Yahweh laban sa Juda.
Paparusahan niya si Jacob ayon sa masama nitong pamumuhay,
at gagantihan ayon sa kanyang mga gawa.
3Nang#Gen. 25:26. #Gen. 32:24-26. sila'y nasa sinapupunan pa, dinaya na ni Jacob ang kanyang kakambal,
at nakipagbuno sa Diyos nang siya'y malaki na.
4Nakipagbuno#Gen. 28:10-22. siya sa anghel at nagwagi,
umiyak siya at nakiusap na nawa'y pagpalain.
Nakatagpo niya ang Diyos doon sa Bethel,
at ito'y nakipag-usap sa kanya.
5Si Yahweh ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
Yahweh ang kanyang pangalan.
6Kaya't manumbalik kayo sa Diyos,
at mamuhay kayong may pag-ibig at katarungan,
patuloy kayong umasa sa kanya.
7Sinabi ni Yahweh, “Gustung-gusto nilang gamitin
ang timbangang may daya.
8Nais nilang apihin ang kanilang kapwa.
Sinasabi nila, ‘Ako'y talagang mayaman,
nakamtan ko ang kayamanang ito para sa aking sarili.’
Ngunit lahat man ng kanyang kayamanan ay hindi sapat,
pambayad sa nagawa niyang kasalanan.
9Ako#Lev. 23:42-43. si Yahweh, ang Diyos
na naglabas sa inyo sa Egipto;
muli ko kayong papatirahin sa mga tolda,
gaya nang panahon ng mga itinakdang kapistahan.
10“Nagsalita ako sa pamamagitan ng mga propeta;
at sa kanila'y nagbigay ng maraming pangitain.
Maraming talinhaga rin ang sa kanila'y aking itinagubilin.
11Laganap sa Gilead ang pagsamba sa diyus-diyosan,
at lahat ng sumasamba rito'y nakalaang mamatay.
Naghahandog sa mga diyus-diyosang toro ang mga taga-Gilgal,
at ang mga altar nila'y mawawasak
magiging mga bunton ng bato sa gitna ng kabukiran.”
12Tumakas#Gen. 29:1-20. si Jacob papuntang Aram,
at doo'y nakatagpo ng mapapangasawa.
Nagpastol siya roon ng mga tupa
upang makamtan ang kamay ng isang dalaga.
13Inilabas#Exo. 12:50-51. ni Yahweh ang Israel sa Egipto sa pamamagitan ng isang propeta.
At sa pamamagitan din ng propetang ito ay pinangalagaan niya ang Israel.
14Matindi na ang galit ni Yahweh kay Efraim, dahil sa kasamaang ginagawa nito.
Kaya't siya'y paparusahan ni Yahweh,
at pagbabayarin sa kanyang mga kasalanan.
Currently Selected:
Hosea 12: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: