Mga Awit 25
25
Panalangin Upang Patnubayan at Ingatan
Katha ni David.
1Sa iyo, Yahweh, dalangin ko'y ipinapaabot;
2sa iyo, O Diyos, ako'y tiwalang lubos.
Huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan,
at pagtawanan ako ng aking mga kaaway!
3Mga may tiwala sa iyo'y huwag malagay sa kahihiyan,
at ang mga taksil sa iyo'y magdanas ng kasawian.
4Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban,
at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam.
5Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan,
sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan;
sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.
6Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas,
na ipinakita mo na noong panahong lumipas.
7Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan;
ayon sa pag-ibig mong walang katapusan,
ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!
8Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan,
itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.
9Sa mapagpakumbabá siya ang gumagabay,
sa kanyang kalooban kanyang inaakay.
10Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay,
sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.
11Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin,
ang marami kong sala'y iyong patawarin.
12Ang taong kay Yahweh ay gumagalang,
matututo ng landas na dapat niyang lakaran.
13Ang buhay nila'y palaging sasagana,
mga anak nila'y magmamana sa lupa.
14Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan,
ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.
15Si Yahweh lang ang laging inaasahan,
na magliligtas sa akin sa kapahamakan.
16Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan,
pagkat nangungulila at nanlulupaypay.
17Pagaanin mo ang aking mga pasanin,
mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain.
18Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin,
at lahat ng sala ko ay iyong patawarin.
19Tingnan mo't napakarami ng aking kaaway,
at labis nila akong kinamumuhian!
20Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay,
huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan,
pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay.
21Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan,
sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan.
22Hanguin mo, O Diyos, ang bayang Israel,
sa kanilang kaguluhan at mga suliranin!
Currently Selected:
Mga Awit 25: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

:
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society