Mga Awit 48
48
Zion, ang Bayan ng Diyos
Awit na katha ng angkan ni Korah.
1Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.
2Ang#Mt. 5:35. Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod;
bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob.
3Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,
sa loob ng muog ng banal na bayan.
4Itong mga hari ay nagtipun-tipon,
upang sumalakay sa Bundok ng Zion.
5Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan,
pawang nagsitakas at nahintakutan.
6Ang nakakatulad ng pangamba nila
ay pagluluwal ng butihing ina.
7Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak.
Ang naglalakihang barkong naglalayag.
8Sa banal na lunsod ay aming namasid
ang kanyang ginawa na aming narinig;
ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan,
siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah)#8 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
9Sa loob ng iyong templo, aming Diyos,
nagunita namin pag-ibig mong lubos.
10Ika'y pinupuri ng lahat saanman,
sa buong daigdig ang dakila'y ikaw,
at kung mamahala ay makatarungan.
11Kayong taga-Zion, dapat na magalak!
At ang buong Juda'y magdiwang na lahat,
dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak.
12Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin;
13ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin;
upang sa susunod na lahi'y isaysay,
14na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman,
sa buong panahon siya ang patnubay.
Currently Selected:
Mga Awit 48: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

:
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society