YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 64

64
Panalangin Upang Ingatan ng Diyos
Awit ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.
1O Diyos, ang hibik ko, ang aking dalangin sana ay pakinggan,
sa pagkaligalig dahil sa kaaway, huwag akong hayaan;
2ipagtanggol ako sa mga pakana't lihim na sabwatan,
niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan.
3Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas,
tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap.
4Sa kublihan nila, sila'y nag-aabang sa mabuting tao,
at walang awa nilang tinutudla sa pagdaan nito.
5Sa gawang masama ay nagsasabwatan, nag-uusap sila,
kung saan dadalhin ang patibong nilang di dapat makita.
6At ang sasabihin pagkatapos nilang makapagbalangkas,
“Ayos na ayos na itong kasamaang ating binabalak.”
Damdamin ng tao at ang isip niya'y mahiwagang ganap!
7Subalit ang Diyos na may palaso ri'y di magpapabaya,
walang abug-abog sila'y tutudlai't susugatang bigla.
8Dahilan sa sila'y masamang nangungusap, kaya wawasakin,
at ang makakita sa gayong sinapit sila'y sisisihin;
9yaong nakakita'y sisidlan ng takot, ipamamalita
ang gawa ni Yahweh at isasaisip ang kanyang ginawa.
10Sa gawa ni Yahweh, ang mga matuwid pawang magagalak,
magpupuri sila at sa piling niya ay mapapanatag.

Currently Selected:

Mga Awit 64: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in