Mga Awit 87
87
Awit ng Pagpaparangal sa Jerusalem
Isang Awit na katha ng angkan ni Korah.
1Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod,
2ang lunsod na ito'y
higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.
3Kaya't iyong dinggin
ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah)#3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
4“Kapag isinulat ko at ang mga bansang sa iyo'y sasama,
aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia;
ibibilang ko rin bansang Filistia, Tiro at Etiopia.”#4 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.
5At tungkol sa Zion,
sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”
6Si Yahweh ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong doo'y mamamayan, (Selah)#6 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
7sila ay aawit, sila ay sasayaw, at sila'y sabay-sabay na magsasabing,
“Ang aking mga pagpapala'y ang Zion ang bukal.”
Currently Selected:
Mga Awit 87: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: