Mga Kawikaan 13
13
1Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway. 2Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan, 3Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan. 4Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba. 5Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya. 6Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan. 7May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman: may nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan. 8Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan: nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta. 9Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin. 10Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi. 11Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan. 12Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay. 13Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin. 14Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, upang lumayo sa mga silo ng kamatayan. 15Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap. 16Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan. 17Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan. 18Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri. 19Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan. 20Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara. 21Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti. 22Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid. 23Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan. 24Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan. 25Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.
Currently Selected:
Mga Kawikaan 13: TLAB
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

: