I SAMUEL 15
15
Digmaan Laban sa mga Amalekita
1At#1 Sam. 10:1 sinabi ni Samuel kay Saul, “Sinugo ako ng Panginoon upang hirangin ka#15:1 o buhusan ka ng langis (10:1). upang maging hari sa kanyang bayang Israel; kaya't ngayon ay pakinggan mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon.
2Ganito#Exo. 17:8-14; Deut. 25:17-19 ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ‘Aking parurusahan ang ginawa ng Amalek sa Israel sa paghadlang sa kanila sa daan nang sila'y umahon mula sa Ehipto.
3Ngayo'y umalis ka at lipulin mo ang Amalek, at iyong lubos na wasakin ang lahat nilang pag-aari. Huwag kang magtitira sa kanila kundi patayin mo ang lalaki at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.’”
4Kaya't tinipon ni Saul ang taong-bayan at binilang sila sa Telaim, dalawandaang libong kawal na lakad, at sampung libong kawal mula sa Juda.
5Dumating si Saul sa lunsod ng mga Amalekita at nag-abang sa libis.
6At sinabi ni Saul sa mga Kineo, “Umalis na kayo! Humiwalay kayo sa mga Amalekita, baka kayo'y puksain kong kasama nila; sapagkat kayo'y nagpakita ng kagandahang-loob sa mga anak ni Israel nang sila'y umahon mula sa Ehipto.” Kaya't umalis ang mga Kineo sa gitna ng mga Amalekita.
7Nagapi ni Saul ang mga Amalekita mula sa Havila hanggang sa Shur na nasa silangan ng Ehipto.
8Kinuha niyang buháy si Agag na hari ng mga Amalekita, at ganap na nilipol ang buong bayan sa pamamagitan ng talim ng tabak.
9Ngunit itinira ni Saul at ng taong-bayan si Agag at ang pinakamabuti sa mga tupa, mga baka, mga pinataba, mga kordero, at lahat ng mahalaga, at hindi nila ganap na pinuksa ang mga ito. Lahat ng bagay na hamak at walang halaga ay ganap nilang winasak.
Si Saul ay Itinakuwil Bilang Hari
10Ang salita ng Panginoon ay dumating kay Samuel, na sinasabi,
11“Ikinalulungkot ko na ginawa kong hari si Saul sapagkat siya'y tumalikod sa pagsunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos.” At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon nang buong magdamag.
12Kinaumagahan, si Samuel ay bumangong maaga upang makipagkita kay Saul. At sinabi niya kay Samuel, “Si Saul ay pumunta sa Carmel at doon ay nagtayo siya para sa kanyang sarili ng isang bantayog, at pagbalik niya ay lumusong siya sa Gilgal.”
13Nang dumating si Samuel kay Saul, sinabi ni Saul sa kanya, “Pagpalain ka nawa ng Panginoon, tinupad ko na ang utos ng Panginoon.”
14Ngunit sinabi ni Samuel, “Ano kung gayon ang kahulugan nitong iyakan ng tupa at ang ungal ng mga baka na aking naririnig?”
15Sinabi ni Saul, “Sila'y dinala nila mula sa mga Amalekita, sapagkat itinira ng taong-bayan ang pinakamabuti sa mga tupa at baka upang ihandog sa Panginoon mong Diyos. Ang nalabi ay aming pinuksang lahat.”
16Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel kay Saul, “Tumigil ka! Aking sasabihin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin sa gabing ito.” At sinabi niya sa kanya, “Sabihin mo.”
17At sinabi ni Samuel, “Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ba ikaw ay ginawang pinuno ng mga lipi ng Israel? At hinirang ka#15:17 o binuhusan ka ng langis. ng Panginoon upang maging hari sa Israel.
18Sinugo ka ng Panginoon sa isang takdang gawain, at sinabi, ‘Humayo ka at ganap mong puksain ang mga makasalanang Amalekita, at labanan mo sila hanggang sa sila'y maubos.’
19Bakit hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, kundi ikaw ay dumaluhong sa samsam, at ginawa mo ang masama sa paningin ng Panginoon?”
20Sinabi ni Saul kay Samuel, “Oo, aking sinunod ang tinig ng Panginoon, at ako'y pumunta sa daang pinagsuguan sa akin ng Panginoon. Aking dinala si Agag na hari ng Amalek, at aking pinatay na lahat ang mga Amalekita.
21Ngunit ang taong-bayan ay kumuha mula sa mga samsam, sa mga tupa at baka, ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay upang ihandog sa Panginoon mong Diyos sa Gilgal.”
22At sinabi ni Samuel,
“Ang Panginoon kaya ay may malaking kasiyahan sa mga handog na sinusunog at sa mga alay,
gaya ng pagsunod sa tinig ng Panginoon?
Tiyak, ang pagsunod ay mas mabuti kaysa alay,
at ang pakikinig kaysa taba ng mga tupang lalaki.
23Sapagkat ang paghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng pangkukulam,
at ang katigasan ng ulo ay gaya ng katampalasanan at pagsamba sa mga diyus-diyosan.
Sapagkat itinakuwil mo ang salita ng Panginoon,
itinakuwil ka rin niya sa pagiging hari.”
24At sinabi ni Saul kay Samuel, “Ako'y nagkasala, sapagkat ako'y sumuway sa utos ng Panginoon at sa iyong mga salita, sapagkat ako'y natakot sa taong-bayan at sumunod sa kanilang tinig.
25Ngayon nga'y hinihiling ko sa iyo, ipatawad mo ang aking kasalanan, at bumalik kang kasama ko upang ako'y makasamba sa Panginoon.”
26At sinabi ni Samuel kay Saul, “Hindi ako babalik na kasama mo sapagkat itinakuwil mo ang salita ng Panginoon, at itinakuwil ka ng Panginoon sa pagiging hari ng Israel.”
27Nang#1 Sam. 28:17; 1 Ha. 11:30, 31 tumalikod si Samuel upang umalis, hinawakan ni Saul ang laylayan ng kanyang balabal at ito ay napunit.
28At sinabi ni Samuel sa kanya, “Pinunit ng Panginoon sa iyo ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at ibinigay sa iyong kapwa, na higit na mabuti kaysa iyo.
29Gayundin ang Kaluwalhatian ng Israel ay hindi magsisinungaling o magbabago ng isipan, sapagkat siya'y hindi isang tao na dapat niyang baguhin ang kanyang isipan.”
30Nang magkagayo'y kanyang sinabi, “Ako'y nagkasala. Gayunma'y parangalan mo ako ngayon sa harap ng matatanda ng aking bayan at sa harap ng Israel, at bumalik kang kasama ko upang ako'y sumamba sa Panginoon mong Diyos.”
31Kaya't bumalik si Samuel kay Saul at sumamba si Saul sa Panginoon.
32Pagkatapos ay sinabi ni Samuel, “Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalekita.” At masayang lumapit si Agag sa kanya. At sinabi ni Agag, “Tunay na ang pait ng kamatayan ay nakaraan na.”
33Ngunit sinabi ni Samuel, “Kung paanong sa pamamagitan ng iyong tabak ay nawalan ng anak ang mga babae, magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak sa gitna ng mga babae.” At pinagputul-putol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa Gilgal.
34Pagkatapos ay pumunta si Samuel sa Rama, at si Saul ay umahon sa kanyang bahay sa Gibea.
35Hindi na muling nakita ni Samuel si Saul hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, ngunit tinangisan ni Samuel si Saul. At ikinalungkot ng Panginoon na kanyang ginawang hari ng Israel si Saul.
Currently Selected:
I SAMUEL 15: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: