II MGA CRONICA 10
10
Naghimagsik ang mga Lipi sa Hilaga
(1 Ha. 12:1-20)
1Si Rehoboam ay pumunta sa Shekem, sapagkat ang buong Israel ay pumunta sa Shekem upang gawin siyang hari.
2Nang ito ay mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nebat (sapagkat siya'y nasa Ehipto, na doon siya tumakas mula kay Haring Solomon), si Jeroboam ay bumalik mula sa Ehipto.
3Sila'y nagsugo at ipinatawag siya. Si Jeroboam at ang buong Israel ay dumating at sinabi nila kay Rehoboam,
4“Pinabigat ng iyong ama ang aming pasanin. Ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod ng iyong ama at ang kanyang mabigat na pasanin sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.”
5Sinabi niya sa kanila, “Pumarito kayong muli sa akin pagkalipas ng tatlong araw.” Kaya't ang taong-bayan ay umalis.
6Pagkatapos si Haring Rehoboam ay sumangguni sa matatanda na tumayo sa harapan ni Solomon na kanyang ama noong siya'y nabubuhay pa, na sinasabi, “Ano ang maipapayo ninyo sa akin sa pagsagot ko sa bayang ito?”
7Sinabi nila sa kanya, “Kung ikaw ay magiging mabait sa bayang ito, bibigyan sila ng kasiyahan, at magsasalita ka ng mabubuting salita sa kanila, sila ay magiging lingkod mo magpakailanman.”
8Ngunit tinalikuran niya ang payong ibinigay sa kanya ng matatanda at sumangguni siya sa mga kabataang lumaking kasama niya at nakatayo sa harapan niya.
9Sinabi niya sa kanila, “Ano ang inyong maipapayo upang ating masagot ang bayang ito na nagsabi sa akin, ‘Pagaanin mo ang pasanin na iniatang ng iyong ama sa amin?’”
10Sinabi sa kanya ng mga kabataang lumaking kasama niya, “Ganito ang iyong sasabihin sa bayan na nagsabi sa iyo, ‘Pinabigat ng iyong ama ang aming pasanin; ngayon ay pagaanin mo para sa amin;’ ganito ang iyong sasabihin sa kanila, ‘Ang aking kalingkingan ay higit na makapal kaysa mga balakang ng aking ama.
11Ngayon, yamang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na pasanin, aking dadagdagan pa ang pasanin ninyo. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo ng mga alakdan.’”
12Kaya't si Jeroboam at ang buong bayan ay pumunta kay Rehoboam nang ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari, “Muli kayong bumalik sa akin sa ikatlong araw.”
13Mabagsik silang sinagot ng hari at tinalikuran ni Haring Rehoboam ang payo ng matatanda.
14Si Haring Rehoboam ay nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga kabataan, na sinasabi, “Pinabigat ng aking ama ang pasanin ninyo, ngunit aking dadagdagan pa. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo ng mga alakdan.”
15Sa gayo'y hindi nakinig ang hari sa taong-bayan; sapagkat iyon ay isang pagbabago ng mga pangyayari na ginawa ng Diyos upang matupad ng Panginoon ang kanyang salita na kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahias na Shilonita.
16Nang#2 Sam. 20:1 makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sumagot ang bayan sa hari, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse. Bawat isa sa inyong tolda, O Israel! Tumingin ka ngayon sa sarili mong bahay, David.” Kaya't ang buong Israel ay humayo sa kani-kanilang tolda.
17Ngunit si Rehoboam ay naghari sa mga anak ni Israel na nakatira sa mga lunsod ng Juda.
18Nang suguin ni Haring Rehoboam si Hadoram, na tagapangasiwa sa sapilitang paggawa, ay pinagbabato siya ng mga anak ni Israel hanggang sa mamatay. At si Haring Rehoboam ay dali-daling sumakay sa kanyang karwahe upang tumakas patungo sa Jerusalem.
19Sa gayon ang Israel ay naghimagsik laban sa sambahayan ni David hanggang sa araw na ito.
Currently Selected:
II MGA CRONICA 10: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: