II MGA CRONICA 29
29
Si Haring Hezekias ng Juda
(2 Ha. 18:1-3)
1Si Hezekias ay nagsimulang maghari nang siya'y dalawampu't limang taong gulang, at siya'y naghari ng dalawampu't siyam na taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kanyang ina ay Abias na anak ni Zacarias.
2At ginawa niya ang matuwid sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat ng ginawa ni David na kanyang ninuno.
Ang Paglilinis sa Templo
3Sa unang buwan ng unang taon ng kanyang paghahari, kanyang binuksan ang mga pintuan ng bahay ng Panginoon, at kinumpuni ang mga iyon.
4Kanyang ipinatawag ang mga pari at mga Levita, at tinipon sila sa liwasan sa silangan.
5Kanyang sinabi sa kanila, “Pakinggan ninyo ako, mga Levita! Magpakabanal kayo ngayon, at pabanalin ninyo ang bahay ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at ilabas ninyo ang dumi mula sa dakong banal.
6Sapagkat ang ating mga ninuno ay hindi naging tapat, at gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon nating Diyos. Kanilang pinabayaan siya, at inilayo nila ang kanilang mga mukha mula sa tahanan ng Panginoon, at sila'y nagsitalikod.
7Kanila ring isinara ang mga pinto ng portiko, at pinatay ang mga ilawan, at hindi nagsunog ng insenso ni naghandog man ng mga handog na sinusunog sa dakong banal para sa Diyos ng Israel.
8Kaya't ang poot ng Panginoon ay dumating sa Juda at Jerusalem, at ginawa silang tampulan ng sindak, pagtataka at pagkutya, gaya ng nakikita ng inyong mga mata.
9Ang ating mga ninuno ay nabuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang ating mga anak na lalaki at babae at ang ating mga asawa ay nabihag dahil dito.
10Ngayon nga'y nasa aking puso na makipagtipan sa Panginoon, sa Diyos ng Israel, upang ang kanyang matinding galit ay maalis sa atin.
11Mga anak ko, huwag kayo ngayong magpabaya, sapagkat pinili kayo ng Panginoon upang tumayo sa harap niya, upang maglingkod sa kanya at maging kanyang mga lingkod at magsunog ng insenso sa kanya.”
12At tumindig ang mga Levita, si Mahat na anak ni Amasai, at si Joel na anak ni Azarias, mula sa mga anak ng mga Kohatita; at mula sa mga anak ni Merari, si Kish na anak ni Abdi, at si Azarias na anak ni Jehalelel; mula sa mga Gershonita, si Joah na anak ni Zima, at si Eden na anak ni Joah;
13at sa mga anak ni Elisafan, sina Simri at Jeiel; sa mga anak ni Asaf, si Zacarias at si Matanias;
14sa mga anak ni Heman, sina Jeiel at Shimei; at sa mga anak ni Jedutun, sina Shemaya at Uziel.
15Tinipon nila ang kanilang mga kapatid, at nagpakabanal, at pumasok ayon sa utos ng hari, sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoon, upang linisin ang bahay ng Panginoon.
16Ang mga pari ay pumasok sa loob na bahagi ng bahay ng Panginoon upang linisin ito, at kanilang inilabas ang lahat ng karumihan na kanilang natagpuan sa templo ng Panginoon tungo sa bulwagan ng bahay ng Panginoon. At kinuha ito ng mga Levita at inilabas ito sa batis ng Cedron.
17Sila'y nagpasimulang magpakabanal sa unang araw ng unang buwan, at sa ikawalong araw ng buwan ay pumunta sila sa portiko ng Panginoon. Pagkatapos ay kanilang itinalaga ang bahay ng Panginoon sa loob ng walong araw; at sa ikalabing-anim na araw ng unang buwan ay nakatapos sila.
Ang Templo ay Muling Itinalaga
18Pagkatapos ay pumunta sila kay Hezekias na hari, at kanilang sinabi, “Nalinis na namin ang buong bahay ng Panginoon, ang dambana ng handog na sinusunog at ang lahat ng kasangkapan nito, at ang hapag para sa tinapay na handog, pati ang lahat ng kasangkapan nito.
19Lahat ng kasangkapang inalis ni Haring Ahaz sa kanyang paghahari nang siya'y di-tapat ay aming inihanda at itinalaga, ang mga ito ay nasa harapan ng dambana ng Panginoon.”
20Nang magkagayo'y maagang bumangon si Hezekias na hari at tinipon ang mga pinuno ng lunsod at umakyat sa bahay ng Panginoon.
21Sila'y nagdala ng pitong baka, pitong tupa, pitong kordero, at pitong kambing na lalaki, bilang handog pangkasalanan para sa kaharian, sa santuwaryo, at sa Juda. At siya'y nag-utos sa mga pari na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga iyon sa dambana ng Panginoon.
22Kaya't kanilang pinatay ang mga baka, at tinanggap ng mga pari ang dugo, at iwinisik sa dambana. Kanilang pinatay ang mga tupa at iwinisik ang dugo sa dambana; pinatay rin nila ang mga kordero at iwinisik ang dugo sa dambana.
23Kanilang inilapit ang mga kambing na lalaki na handog pangkasalanan sa harapan ng hari at ng kapulungan, at ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga iyon.
24Ang mga iyon ay pinatay ng mga pari at sila'y gumawa ng isang handog pangkasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga iyon sa ibabaw ng dambana, upang ipantubos sa buong Israel. Sapagkat iniutos ng hari na ang handog na sinusunog at ang handog pangkasalanan ay dapat gawin para sa buong Israel.
25Kanyang inilagay ang mga Levita sa bahay ng Panginoon na may mga pompiyang, mga salterio, at mga alpa, ayon sa utos ni David at ni Gad na propeta ng hari, at ni Natan na propeta; sapagkat ang utos ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga propeta.
26Ang mga Levita ay tumayo na may mga panugtog ni David, at ang mga pari na may mga trumpeta.
27At si Hezekias ay nag-utos na ang handog na sinusunog ay ialay sa ibabaw ng dambana. Nang ang handog na sinusunog ay pinasimulan, ang awit sa Panginoon ay pinasimulan din, pati ang mga trumpeta, sa saliw ng mga panugtog ni David na hari ng Israel.
28At ang buong kapulungan ay sumamba, at ang mga mang-aawit ay umawit, at ang mga trumpeta ay tumunog; lahat ng ito ay nagpatuloy hanggang sa ang handog na sinusunog ay natapos.
29Nang matapos ang paghahandog, ang hari at ang lahat ng naroroong kasama niya ay yumukod at sumamba.
30At iniutos ni Haring Hezekias at ng mga pinuno sa mga Levita na umawit ng mga papuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga salita ni David at ni Asaf na propeta. At sila'y umawit ng mga papuri na may kagalakan, at sila'y yumukod at sumamba.
31Pagkatapos ay sinabi ni Hezekias, “Ngayo'y naitalaga na ninyo ang inyong mga sarili sa Panginoon; kayo'y magsilapit, magdala kayo ng mga alay at mga handog ng pasasalamat sa bahay ng Panginoon.” At nagdala ang kapulungan ng mga alay at ng mga handog ng pasasalamat; at lahat ng may kusang kalooban ay nagdala ng mga handog na sinusunog.
32At ang bilang ng mga handog na sinusunog na dinala ng kapulungan ay pitumpung baka, isandaang tupang lalaki at dalawandaang kordero. Lahat ng mga ito ay para sa handog na sinusunog sa Panginoon.
33At ang mga handog na itinalaga ay animnaraang baka at tatlong libong tupa.
34Ngunit ang mga pari ay kakaunti at hindi nila kayang balatan ang lahat ng handog na sinusunog. Kaya't tinulungan sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita, hanggang sa natapos ang gawain, at hanggang sa makapagpabanal ang nalabi sa mga pari—sapagkat ang mga Levita ay higit na matuwid ang puso kaysa mga pari sa pagpapabanal.
35Bukod sa napakalaking bilang ng mga handog na sinusunog, mayroong taba ng mga handog pangkapayapaan, at mayroong mga handog na inumin para sa handog na susunugin. Sa gayo'y naibalik ang paglilingkod sa bahay ng Panginoon.
36At si Hezekias at ang buong bayan ay nagalak, dahil sa ginawa ng Diyos para sa bayan; sapagkat ang bagay na iyon ay biglang nangyari.
Currently Selected:
II MGA CRONICA 29: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: