DEUTERONOMIO 1
1
1Ito ang mga salitang sinabi ni Moises sa buong Israel sa kabila ng Jordan sa ilang, sa Araba na katapat ng Suf, sa pagitan ng Paran at ng Tofel, Laban, Haserot, at Di-zahab.
2Iyon ay labing-isang araw na lakbayin mula sa Horeb kung daraan sa bundok ng Seir hanggang sa Kadesh-barnea.
3Nang unang araw ng ikalabing-isang buwan ng ikaapatnapung taon, nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya para sa kanila.
4Ito#Bil. 21:21-35 ay pagkatapos niyang talunin si Sihon na hari ng mga Amoreo, na naninirahan sa Hesbon, at si Og na hari ng Basan, na naninirahan sa Astarot at sa Edrei.
5Sa kabila ng Jordan sa lupain ng Moab, pinasimulan ni Moises na ipaliwanag ang kautusang ito gaya ng sumusunod:
6“Ang Panginoon nating Diyos ay nagsalita sa atin sa Horeb, na nagsasabi, ‘Kayo'y matagal nang naninirahan sa bundok na ito.
7Ipagpatuloy ninyo ang inyong paglalakbay at pumunta kayo sa lupaing maburol ng mga Amoreo, at sa lahat nitong kalapit na lugar, sa Araba na lupaing maburol at sa kapatagan, sa Negeb, at sa baybayin ng dagat, sa lupain ng mga Cananeo, sa Lebanon, hanggang sa malaking ilog ng Eufrates.
8Tingnan ninyo, inilagay ko na ang lupain sa harapan ninyo. Pasukin ninyo at angkinin ang lupain na ipinangako ng Panginoon sa inyong mga ninuno, kina Abraham, Isaac, at Jacob, na ibibigay sa kanila at sa kanilang mga anak pagkamatay nila.’
Humirang si Moises ng mga Hukom
(Exo. 18:13-27)
9“At ako'y nagsalita sa inyo nang panahong iyon na sinasabi, ‘Hindi ko kayo kayang dalhing mag-isa.
10Pinarami kayo ng Panginoon ninyong Diyos, at kayo ngayon ay gaya ng mga bituin sa langit sa dami.
11Ang Panginoon na Diyos ng inyong mga ninuno, nawa'y paramihin kayo ng makalibong ulit kaysa ngayon, at kayo nawa'y pagpalain ng gaya ng ipinangako niya sa inyo!
12Paano ko madadalang mag-isa ang mabigat na pasan ninyo at ng inyong mga alitan?
13Pumili kayo ng mga lalaking matatalino, may pang-unawa at may karanasan mula sa inyong mga lipi, at sila'y aking itatalaga bilang mga pinuno ninyo.’
14At kayo'y sumagot sa akin at nagsabi, ‘Ang bagay na iyong sinabi ay mabuting gawin natin.’
15Kaya't kinuha ko ang mga pinuno ng inyong mga lipi, mga taong matatalino at may karanasan, at inilagay sila bilang mga pinuno ninyo, na mga pinuno ng libu-libo, mga pinuno ng daan-daan, mga pinuno ng lima-limampu, mga pinuno ng sampu-sampu, at mga pinuno sa inyong mga lipi.
16Inutusan ko ang inyong mga hukom nang panahong iyon: ‘Pakinggan ninyo ang mga usapin ng inyong mga kapatid, at hatulan ng matuwid ang tao at ang kanyang kapatid, at ang dayuhan na kasama niya.
17Huwag kayong magtatangi ng tao sa paghatol; inyong parehong papakinggan ang hamak at ang dakila; huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagkat ang paghatol ay sa Diyos, at ang bagay na napakahirap sa inyo ay inyong dadalhin sa akin, at aking papakinggan.’
18Kaya't nang panahong iyon, aking iniutos sa inyo ang lahat ng mga bagay na inyong gagawin.
Nagsugo ng mga Espiya mula sa Kadesh-barnea
(Bil. 13:1-33)
19“Pagkatapos, tayo ay naglakbay mula sa Horeb at ating tinahak ang malawak at nakakatakot na ilang na inyong nakita, sa daang patungo sa lupaing maburol ng mga Amoreo, na gaya ng iniutos ng Panginoon nating Diyos sa atin, at tayo'y dumating sa Kadesh-barnea.
20Aking sinabi sa inyo, ‘Inyong narating ang lupaing maburol ng mga Amoreo na ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Diyos.
21Tingnan mo, ibinibigay ng Panginoon mong Diyos ang lupain sa harapan mo. Akyatin mo, angkinin mo, na gaya ng sinabi sa iyo ng Panginoong Diyos ng iyong mga ninuno; huwag kang matakot, o mangamba.’
22At lahat kayo'y lumapit sa akin, bawat isa sa inyo, at nagsabi, ‘Tayo'y magsugo ng mga lalaki upang mauna sa atin, upang lihim nilang siyasatin ang lupain, at ibalita sa atin ang daang dapat nating tahakin, at ang mga lunsod na ating daratnan!’
23Ang panukala ay minabuti ko at ako'y kumuha ng labindalawang lalaki sa inyo, isang lalaki sa bawat lipi.
24Sila'y pumihit at umahon sa lupaing maburol at dumating sa libis ng Escol, at kanilang lihim na siniyasat.
25At sila'y kumuha ng bunga ng lupain at ibinaba iyon sa atin, at ibinalita, ‘Ang lupaing ibinibigay sa atin ng Panginoon ay mabuti.’
Hindi Nanampalataya ang Kapulungan
26“Gayunma'y#Deut. 9:23; Heb. 3:16 hindi kayo umakyat, kundi naghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Diyos,
27at kayo'y nagbulung-bulungan sa inyong mga tolda, at sinabi, ‘Dahil kinapootan tayo ng Panginoon, kanyang inilabas tayo sa lupain ng Ehipto upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amoreo upang tayo'y lipulin.
28Saan tayo aahon? Pinapanghina ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, “Nakita namin doon ang mga taong malalaki at matataas kaysa atin. Ang mga bayan ay malalaki at may pader hanggang sa langit, gayundin nakita namin ang mga anak ng Anakim roon.”’
29Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, ‘Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila.
30Ang Panginoon ninyong Diyos, na nangunguna sa inyo ay siyang makikipaglaban para sa inyo, gaya ng kanyang ginawa para sa inyo sa Ehipto sa inyong harapan,#1:30 Sa Hebreo ay sa harapan ng inyong mga mata.
31at#Gw. 13:18 sa ilang, na doon ay inyong nakita kung paanong dinala kayo ng Panginoon ninyong Diyos, na gaya ng pagdadala ng tao sa kanyang anak, sa lahat ng daang inyong nilakaran hanggang sa makarating kayo sa dakong ito.’
32Gayunma'y#Heb. 3:19 sa kabila ng bagay na ito ay hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Diyos,
33na nanguna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda na nasa apoy kapag gabi, at nasa ulap kapag araw, upang ituro sa inyo ang daang dapat ninyong lakaran.
Pinarusahan ng Panginoon ang Israel
(Bil. 14:20-45)
34“Nang#Heb. 3:18 marinig ng Panginoon ang inyong mga salita, siya ay nagalit at sumumpa na sinasabi,
35‘Wala ni isa man sa mga taong mula sa masamang salinlahing ito ang makakakita ng mabuting lupain na aking ipinangakong ibibigay sa inyong mga ninuno,
36maliban kay Caleb na anak ni Jefone. Makikita niya iyon at ibibigay ko sa kanya at sa mga anak niya ang lupain na kanyang nilakaran, sapagkat siya'y lubos na sumunod sa Panginoon.’
37Ang Panginoon ay nagalit din sa akin, dahil sa inyo, na nagsasabi, ‘Ikaw man ay hindi papasok doon.
38Si Josue na anak ni Nun, na iyong lingkod,#1:38 Sa Hebreo ay na nakatayo sa harapan mo. ay siyang papasok doon. Palakasin mo ang kanyang loob, sapagkat siya ang mangunguna upang ito ay manahin ng Israel.
39Bukod dito, ang inyong mga bata na inyong sinasabing magiging biktima, at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama, ay siyang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at ito'y kanilang aangkinin.
40Ngunit tungkol sa inyo, bumalik kayo at maglakbay sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Pula.’
41“At kayo ay sumagot at sinabi sa akin, ‘Kami ay nagkasala laban sa Panginoon, kami ay aahon at lalaban, ayon sa iniutos sa amin ng Panginoon naming Diyos.’ At bawat isa sa inyo ay nagsakbat ng kanya-kanyang sandatang pandigma, at inyong inakalang madaling akyatin ang lupaing maburol.
42Kaya't sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Sabihin mo sa kanila, Huwag kayong umakyat, ni lumaban, sapagkat ako'y wala sa inyong kalagitnaan. Baka kayo'y matalo sa harapan ng inyong mga kaaway.’
43Gayon ang sinabi ko sa inyo, ngunit hindi kayo nakinig kundi kayo'y naghimagsik laban sa utos ng Panginoon, at naghambog at umakyat sa lupaing maburol.
44Ang mga Amoreo na naninirahan sa lupaing maburol na iyon ay lumabas laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir hanggang sa Horma.
45Kayo'y bumalik at umiyak sa harapan ng Panginoon, ngunit hindi dininig ng Panginoon ang inyong tinig, ni pinakinggan kayo.
46Kaya't kayo'y nanatili nang maraming araw sa Kadesh, ayon sa mga araw na inyong inilagi roon.
Currently Selected:
DEUTERONOMIO 1: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: