DEUTERONOMIO 33
33
Binasbasan ni Moises ang mga Lipi ni Israel
1Ito ang basbas na iginawad ni Moises, ang tao ng Diyos, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.
2At kanyang sinabi,
“Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai,
at lumitaw sa Seir patungo sa kanila;
siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran,
at siya'y may kasamang laksa-laksang mga banal:
sa kanyang kanang kamay ay ang kanyang sariling hukbo.
3Oo, iniibig niya ang bayan:
lahat ng kanyang mga banal ay nasa iyong kamay;
sila'y sumunod sa iyong mga yapak,
na tumatanggap ng tagubilin mula sa iyo.
4Si Moises ay nag-atas sa atin ng isang kautusan,
isang pamana para sa kapulungan ni Jacob.
5Nagkaroon ng hari sa Jeshurun,
nang magkatipon ang mga pinuno ng bayan,
pati ang lahat ng mga lipi ni Israel.
6“Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay;
kahit kaunti man ang kanyang mga tao.”
7At ito ang sinabi niya tungkol sa Juda:
“Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda,
at dalhin mo siya sa kanyang bayan:
sa pamamagitan ng iyong mga kamay ay ipaglaban siya,
at maging katulong laban sa kanyang mga kaaway.”
8At#Exo. 28:30; Exo. 17:7; Exo. 17:7; Bil. 20:13 tungkol kay Levi ay kanyang sinabi,
“Ang iyong Tumim at ang iyong Urim ay para sa inyong mga banal,
na iyong sinubok sa Massah,
nakipagtunggali ka sa kanya sa mga tubig ng Meriba;
9na siyang nagsabi tungkol sa kanyang ama at ina,
‘Hindi ko siya nakita;’
ni hindi niya kinilala ang kanyang mga kapatid,
ni kinilala niya ang kanyang sariling mga anak.
Sapagkat kanilang sinunod ang iyong salita,
at ginaganap ang iyong tipan.
10Ituturo nila ang iyong batas kay Jacob,
at ang iyong mga kautusan sa Israel;
sila'y maglalagay ng insenso sa harapan mo,
at ng buong handog na sinusunog sa ibabaw ng iyong dambana.
11Basbasan mo, Panginoon, ang kanyang kalakasan,
at tanggapin mo ang gawa ng kanyang mga kamay;
baliin mo ang mga balakang ng mga naghihimagsik laban sa kanya,
at ang mga napopoot sa kanya, upang sila'y huwag nang muling bumangon.”
12Tungkol kay Benjamin ay kanyang sinabi,
“Ang minamahal ng Panginoon ay maninirahang ligtas sa siping niya;
na kinakanlungan siya buong araw,
oo, siya'y maninirahan sa pagitan ng kanyang mga balikat.”
13At tungkol kay Jose ay kanyang sinabi,
“Pagpalain nawa ng Panginoon ang kanyang lupain,
sa pinakamabuti mula sa langit, sa hamog,
at sa kalaliman na nasa ilalim,
14at sa pinakamabuti sa mga bunga ng araw,
at sa mga pinakamabuting bunga ng mga buwan,
15at sa pinakamagandang bunga ng matandang bundok,
at sa mga pinakamabuti sa mga burol na walang hanggan,
16at sa pinakamabuti sa lupa at sa lahat ng naroroon;
at ang kanyang mabuting kalooban na naninirahan sa mababang punungkahoy:
dumating nawa ito sa ulo ni Jose,
at sa tuktok ng ulo niya na itinalaga sa kanyang mga kapatid.
17Gaya ng panganay ng kanyang baka, kaluwalhatian ay sa kanya,
at ang mga sungay ng mabangis na toro ay kanyang mga sungay;
sa pamamagitan ng mga iyon ay itutulak niya ang mga bayan
hanggang sa mga hangganan ng lupa,
at sila ang sampung libu-libo ni Efraim,
at sila ang libu-libo ni Manases.”
18At tungkol kay Zebulon ay kanyang sinabi,
“Magalak ka, Zebulon, sa iyong paglabas;
at ikaw, Isacar, sa iyong mga tolda.
19Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok;
maghahandog sila ng mga matuwid na alay;
sapagkat kanilang sisipsipin ang mga kasaganaan ng mga dagat,
at ang natatagong kayamanan sa buhanginan.”
20At tungkol kay Gad, ay kanyang sinabi,
“Pagpalain ang nagpalaki kay Gad:
siya'y mabubuhay na parang isang leon,
at lalapain ang bisig at ang bao ng ulo.
21Kanyang pinili ang pinakamabuti sa lupain para sa kanya,
sapagkat doon nakatago ang bahagi ng isang pinuno,
at siya'y dumating sa mga pinuno ng bayan,
kanyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
at ang kanyang mga batas sa Israel.”
22At tungkol kay Dan ay kanyang sinabi,
“Si Dan ay anak ng leon,
na lumukso mula sa Basan.”
23At tungkol kay Neftali ay kanyang sinabi,
“O Neftali, na busog ng mabuting kalooban,
at puspos ng pagpapala ng Panginoon;
angkinin mo ang kanluran at ang timog.”
24At tungkol kay Aser ay kanyang sinabi,
“Pagpalain si Aser nang higit sa ibang mga anak;
itangi nawa siya ng kanyang mga kapatid,
at ilubog ang kanyang paa sa langis.
25Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso;
kung paano ang iyong mga araw ay gayon nawa ang iyong lakas.
26“Walang gaya ng Diyos, O Jeshurun,
na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo,
at sa himpapawid dahil sa kanyang karangalan.
27Ang walang hanggang Diyos ay isang kanlungan,
at sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig.
At kanyang palalayasin ang kaaway sa harapan mo,
at sinabi, ‘Puksain.’
28Kaya't ang Israel ay ligtas na namumuhay,
ang bukal ni Jacob sa lupain ng trigo at alak,
oo, ang kanyang mga langit ay magbababa ng hamog.
29Mapalad ka, O Israel! Sino ang gaya mo,
bayang iniligtas ng Panginoon,
ang kalasag na iyong tulong,
ang tabak ng iyong tagumpay!
At ang iyong mga kaaway ay manginginig sa harapan mo,
at ikaw ay tutuntong sa kanilang mga matataas na dako.”
Currently Selected:
DEUTERONOMIO 33: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: