ECLESIASTES 9
9
1Ngunit ang lahat ng ito ay inilagak ko sa aking puso, na sinisiyasat ang lahat ng ito; kung paanong ang matuwid, ang pantas, at ang kanilang mga gawa ay nasa kamay ng Diyos; kung ito man ay pag-ibig o poot ay hindi nalalaman ng tao. Lahat ng nasa harapan nila ay walang kabuluhan,
2yamang isang kapalaran ang dumarating sa lahat, sa matuwid at sa masama; sa mabuti at sa masama, sa malinis at sa marumi, sa kanya na naghahandog at sa kanya na hindi naghahandog. Kung paano ang mabuti, gayon ang makasalanan; at ang sumusumpa ay gaya ng umiiwas sa sumpa.
3Ito'y isang kasamaan sa lahat na ginawa sa ilalim ng araw, na isang kapalaran ang dumarating sa lahat. Gayundin, ang puso ng mga tao ay punô ng kasamaan, at ang kaululan ay nasa kanilang puso habang sila'y nabubuhay, at pagkatapos niyon ay nagtutungo sila sa kamatayan.
4Subalit siya, na kasama ng lahat na nabubuhay ay may pag-asa, sapagkat ang buháy na aso ay mas mabuti kaysa patay na leon.
5Sapagkat nalalaman ng mga buháy na sila'y mamamatay, ngunit hindi nalalaman ng patay ang anumang bagay, at wala na silang gantimpala; sapagkat ang alaala nila ay nakalimutan na.
6Ang kanilang pag-ibig, pagkapoot, at ang pagkainggit ay nawala na, wala na silang anumang bahagi pa magpakailanman sa anumang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.
7Humayo ka, kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at inumin mo ang iyong alak na may masayang puso; sapagkat sinang-ayunan na ng Diyos ang iyong ginagawa.
8Maging laging maputi ang iyong mga suot; at huwag magkulang ng langis ang iyong ulo.
9Magpakasaya ka sa buhay sa piling ng iyong asawang babaing minamahal sa lahat ng mga araw ng buhay mong walang kabuluhan, na kanyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw, sapagkat iyan ang iyong bahagi sa buhay, at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw.
10Anumang masumpungang gawin ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kalakasan; sapagkat walang gawa, kaisipan, kaalaman, ni karunungan man sa Sheol, na iyong patutunguhan.
11Muli kong nakita sa ilalim ng araw na ang takbuhan ay hindi para sa matutulin, ni ang paglalaban man ay sa malalakas, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang kayamanan man ay sa mga matatalino, ni ang kaloob man ay sa taong may kakayahan, kundi ang panahon at pagkakataon ay nangyayari sa kanilang lahat.
12Sapagkat hindi nalalaman ng tao ang kanyang kapanahunan. Kagaya ng mga isda na nahuhuli sa malupit na lambat, at kagaya ng mga ibon na nahuhuli sa bitag, gayon ang mga tao ay nasisilo sa masamang kapanahunan, kapag biglang nahulog sa kanila.
Ang Kadakilaan ng Karunungan
13Nakita ko rin ang ganitong halimbawa ng karunungan sa ilalim ng araw, at ito'y naging tila dakila sa akin.
14Mayroong isang maliit na lunsod, at iilan ang tao sa loob niyon. May dumating na dakilang hari laban doon at kinubkob iyon at nagtayo ng mga malaking tanggulan laban doon.
15Ngunit natagpuan roon ang isang dukhang lalaking pantas, at iniligtas niya ng kanyang karunungan ang lunsod. Gayunma'y walang nakakaalala sa dukhang lalaking iyon.
16Ngunit sinasabi ko na ang karunungan ay mas mabuti kaysa kalakasan, bagaman ang karunungan ng taong dukha ay hinamak, at ang kanyang mga salita ay hindi pinakinggan.
17Ang mga salita ng pantas na narinig sa katahimikan ay higit na mabuti kaysa sigaw ng pinuno sa gitna ng mga hangal.
18Ang karunungan ay mas mabuti kaysa mga sandata ng digmaan, ngunit sumisira ng maraming kabutihan ang isang makasalanan.
Currently Selected:
ECLESIASTES 9: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: