ISAIAS 42
42
Ang Lingkod ng Panginoon
1Narito#Mt. 3:17; 17:5; Mc. 1:11; Lu. 3:22; 9:35 #Mt. 12:18-21 ang aking lingkod, na aking inaalalayan;
ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Inilagay ko ang aking Espiritu sa kanya;
siya'y maglalapat ng katarungan sa mga bansa.
2Siya'y hindi sisigaw, o maglalakas man ng tinig,
o ang kanyang tinig man sa lansangan ay iparirinig.
3Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin,
ni ang mitsa na bahagyang nagniningas ay hindi niya papatayin;
siya'y tapat na maglalapat ng katarungan.
4Siya'y hindi manlulupaypay o madudurog man,
hanggang sa maitatag niya sa lupa ang katarungan;
at ang mga pulo ay maghihintay sa kanyang kautusan.
5Ganito#Gw. 17:24, 25 ang sabi ng Diyos, ang Panginoon,
na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga iyon;
siyang naglatag ng lupa at ang nagmula rito,
siyang nagbibigay ng hininga sa mga tao nito,
at ng espiritu sa kanila na nagsisilakad dito:
6“Ako#Isa. 49:6; Lu. 2:32; Gw. 13:47; 26:23 ang Panginoon, tinawag ko kayo sa katuwiran,
kinuha ko kayo sa pamamagitan ng kamay, at kayo'y iniingatan,
at ibinigay kita sa bayan bilang tipan,
isang liwanag sa mga bayan,
7upang imulat ang mga bulag na mata,
upang ilabas ang mga bilanggo sa bilangguan,
at silang nakaupo sa kadiliman mula sa bilangguan.
8Ako ang Panginoon, iyon ang aking pangalan;
hindi ko ibibigay sa iba ang aking kaluwalhatian,
o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.
9Narito, ang mga dating bagay ay lumipas na,
at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko;
bago sila lumitaw
ay sinasabi ko sa inyo ang tungkol sa kanila.”
Pagpupuri sa Diyos Dahil sa Pagliligtas
10Umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
at ng kapurihan niya mula sa dulo ng lupa!
Kayong bumababa sa dagat at ang lahat na nariyan,
ang mga pulo, at mga doon ay naninirahan.
11Maglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyon,
ang mga nayon na tinitirhan ng Kedar;
umawit ang mga naninirahan sa Sela,
magsigawan sila mula sa mga tuktok ng mga bundok.
12Magbigay-luwalhati sila sa Panginoon,
at magpahayag ng kanyang kapurihan sa mga pulo.
13Ang Panginoon ay lalabas na parang mandirigma,
pinupukaw niya ang kanyang galit na parang lalaking mandirigma;
siya'y sisigaw, oo, siya'y sisigaw nang malakas,
at magtatagumpay laban sa kanyang mga kaaway.
14Ako'y tumahimik nang matagal,
ako'y hindi kumibo, at nagpigil ako;
ngayo'y sisigaw akong parang nanganganak na babae,
ako'y hihingal at hahapuin.
15Ang mga bundok at mga burol ay aking wawasakin,
at ang lahat nilang mga pananim ay aking tutuyuin;
ang mga ilog ay gagawin kong mga pulo,
at ang mga lawa ay aking tutuyuin.
16At aking aakayin ang bulag
sa daan na hindi nila nalalaman;
sa mga landas na hindi nila nalalaman
sila ay aking papatnubayan.
Aking gagawing liwanag ang kadiliman sa kanilang harapan,
at ang mga baku-bakong lugar ay papatagin.
Ang mga bagay na ito ay aking gagawin sa kanila,
at hindi ko sila pababayaan.
17Sila'y mapapaurong at ganap na mapapahiya,
sila na sa mga larawang inanyuan ay nagtitiwala,
na nagsasabi sa mga larawang hinulma,
“Kayo'y aming mga diyos.”
Bigong Karanasan ng Israel
18Makinig kayong mga bingi;
at tumingin kayong mga bulag, upang kayo'y makakita!
19Sino ang bulag kundi ang aking lingkod,
o ang bingi, na gaya ng aking sugo na aking sinusugo?
Sino ang bulag na gaya niya na nasa kapayapaan,
at bulag na gaya ng lingkod ng Panginoon?
20Ikaw na nakakakita ng maraming bagay, ngunit hindi mo ginagawa ang mga ito;
ang kanyang mga tainga ay bukas, ngunit hindi siya nakakarinig.
21Nalugod ang Panginoon, alang-alang sa kanyang katuwiran,
upang dakilain ang kanyang kautusan at gawing marangal.
22Ngunit ito ay isang bayang ninakawan at sinamsaman,
silang lahat ay nasilo sa mga hukay,
at nakakubli sa mga bilangguan;
sila'y naging biktima at walang magligtas,
isang samsam, at walang magsabi, “Iyong panunumbalikin!”
23Sino sa inyo ang makikinig nito,
na papansin at makikinig para sa panahong darating?
24Sino ang nagbigay ng Jacob sa mananamsam,
at ng Israel sa mga magnanakaw?
Hindi ba ang Panginoon, na laban sa kanya ay nagkasala tayo,
at hindi sila magsilakad sa kanyang mga daan,
o naging masunurin man sila sa kanyang kautusan?
25Kaya't ibinuhos niya sa kanya ang init ng kanyang galit,
at ang lakas ng pakikipagbaka;
at nilagyan siya nito ng apoy sa palibot, gayunma'y hindi niya nalaman;
at sinunog siya nito, gayunma'y hindi niya ito inilagay sa kanyang puso.
Currently Selected:
ISAIAS 42: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: