MGA HUKOM 21
21
Mga Asawa para sa mga Benjaminita
1Ang mga lalaki ng Israel ay sumumpa sa Mizpa na nagsasabi, “Walang sinuman sa atin na magbibigay ng kanyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa.”
2Ang taong-bayan ay pumunta sa Bethel at umupo roon hanggang sa kinagabihan sa harap ng Diyos, at inilakas ang kanilang mga tinig, at tumangis nang matindi.
3Kanilang sinabi, “O Panginoon, ang Diyos ng Israel, bakit nangyari ito sa Israel, na magkukulang ngayon ng isang lipi ang Israel?”
4Kinabukasan, ang bayan ay maagang bumangon, at nagtayo roon ng dambana, at naghandog ng mga handog na sinusunog at ng mga handog pangkapayapaan.
5At sinabi ng mga anak ni Israel, “Sino ang hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel sa kapulungan sa Panginoon?” Sapagkat sila'y gumawa ng taimtim na panata tungkol sa hindi aahon sa Panginoon sa Mizpa na sinasabi, “Siya'y tiyak na papatayin.”
6Ngunit naawa ang mga anak ni Israel sa Benjamin na kanilang kapatid, at sinabi, “May isang angkan na natanggal sa Israel sa araw na ito.
7Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na naiwan, yamang tayo'y sumumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa?”
8At kanilang sinabi, “Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? Natuklasan na walang pumunta sa kampo sa Jabes-gilead, sa kapulungan.”
9Sapagkat nang bilangin ang bayan, wala ang mga naninirahan sa Jabes-gilead.
10Kaya't nagsugo roon ang kapulungan ng labindalawang libong mandirigma, at iniutos sa kanila, na sinasabi, “Kayo'y humayo, tagain ninyo ng talim ng tabak ang mga mamamayan ng Jabes-gilead, pati ang mga babae at mga bata.
11Ito ang inyong gagawin. Inyong lubos na lilipulin ang bawat lalaki, at bawat babae na sinipingan ng lalaki.”
12Kanilang nalaman na ang mga naninirahan sa Jabes-gilead ay apatnaraang dalaga, na hindi nakakakilala ng lalaki sa pamamagitan ng pagsiping sa kanya. Kanilang dinala sila sa kampo sa Shilo na nasa lupain ng Canaan.
13Pagkatapos ay nagsugo ang buong kapulungan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nasa bato ng Rimon, at nagpahayag ng kapayapaan sa kanila.
14Bumalik ang Benjamin nang panahong iyon, at kanilang ibinigay sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buháy sa mga babae ng Jabes-gilead. Gayunma'y hindi sila sapat para sa kanila.
15At ang bayan ay naawa sa Benjamin, sapagkat ang Panginoon ay gumawa ng sira sa mga lipi ng Israel.
16Nang magkagayo'y sinabi ng matatanda ng kapulungan, “Paano ang ating gagawing paghanap ng asawang babae para sa natitira, yamang wala ng nalalabing babae sa Benjamin?”
17Kanilang sinabi, “Nararapat magkaroon ng tagapagmana para sa naligtas sa Benjamin, upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel.
18Gayunman ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae.” Sapagkat ang mga anak ni Israel ay sumumpa, na nagsasabi, “Sumpain ang magbigay ng asawa sa Benjamin.”
19Kaya't kanilang sinabi, “Narito, may magaganap na taun-taong pagdiriwang sa Panginoon sa Shilo, na nasa hilaga ng Bethel, sa dakong silangan ng lansangan na paahon sa Shekem mula sa Bethel, at sa timog ng Lebona.”
20At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin na sinasabi, “Kayo'y humayo at mag-abang sa mga ubasan.
21At bantayan ninyo, kapag ang mga anak na babae sa Shilo ay lumabas upang sumayaw, lumabas kayo sa ubasan at kumuha ang bawat lalaki sa inyo ng kanyang asawa sa mga anak sa Shilo, at pumunta kayo sa lupain ng Benjamin.
22Kapag ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang magreklamo ay aming sasabihin sa kanila, ‘Ipagkaloob na ninyo sila sa amin, sapagkat hindi kami kumuha ng asawa para sa bawat isa sa kanila sa pakikipaglaban. Gayunman, hindi rin kayo magkakasala sa pagbibigay sa inyong mga anak na babae sa kanila.’”
23At gayon ang ginawa ng mga anak ni Benjamin at kanilang kinuha silang asawa ayon sa kanilang bilang, mula sa mga sumasayaw na kanilang dinala. Sila'y umalis at nagbalik sa kanilang nasasakupan, at muling itinayo ang mga bayan, at nanirahan doon.
24At umalis ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong iyon, bawat lalaki ay sa kanyang lipi at sa kanyang angkan, at umalis mula roon ang bawat lalaki at umuwi sa kanilang nasasakupan.
25Nang#Huk. 17:6 mga araw na iyon ay walang hari sa Israel; ginawa ng bawat tao kung ano ang matuwid sa kanyang sariling paningin.
Currently Selected:
MGA HUKOM 21: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: