JEREMIAS 4
4
Panawagan upang Magsisi
1“Kung ikaw ay manunumbalik, O Israel, sabi ng Panginoon,
sa akin ka dapat manumbalik.
Kung iyong aalisin ang iyong mga karumaldumal sa aking harapan,
at hindi ka mag-uurong-sulong,
2at kung ikaw ay susumpa, ‘Habang buháy ang Panginoon,’
sa katotohanan, sa katarungan, at sa katuwiran;
ang mga bansa ay pagpapalain sa pamamagitan niya,
at sa kanya luluwalhati sila.”
Ang Juda ay Binalaang Sasalakayin
3Sapagkat#Hos. 10:12 ganito ang sabi ng Panginoon sa mga kalalakihan ng Juda at sa Jerusalem,
“Bungkalin ninyo ang inyong lupang tiwangwang,
at huwag kayong maghasik sa mga tinikan.
4Tuliin ninyo ang inyong mga sarili para sa Panginoon,
at inyong alisin ang maruming balat ng inyong puso,
O mga taga-Juda at mga mamamayan ng Jerusalem;
baka ang aking poot ay sumiklab na parang apoy,
at magliyab na walang makakapatay nito,
dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.”
5Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin,
“Inyong hipan ang trumpeta sa buong lupain;
sumigaw kayo nang malakas, at inyong sabihin,
‘Magtipun-tipon kayo, at tayo'y magsipasok
sa mga lunsod na may kuta!’
6Magtaas kayo ng watawat paharap sa Zion;
kayo'y magsitakas upang maligtas, huwag kayong magsitigil;
sapagkat ako'y nagdadala ng kasamaan mula sa hilaga,
at ng malaking pagkawasak.
7Ang isang leon ay umahon mula sa sukal niya,
at isang mangwawasak ng mga bansa ang naghanda;
siya'y lumabas mula sa kanyang lugar,
upang wasakin ang iyong lupain,
ang iyong mga lunsod ay magiging guho
na walang maninirahan.
8Dahil dito ay magbigkis kayo ng damit-sako,
managhoy kayo at tumangis;
sapagkat ang mabangis na galit ng Panginoon
ay hindi pa humihiwalay sa atin.”
9“Mangyayari sa araw na iyon, sabi ng Panginoon, ang puso ng hari at ang puso ng mga pinuno ay manlulumo. Ang mga pari ay matitigilan at ang mga propeta ay mamamangha.”
10Nang magkagayo'y sinabi ko, “Ah Panginoong Diyos, tunay na iyong lubos na dinaya ang sambayanang ito at ang Jerusalem, na iyong sinasabi, ‘Kayo'y magiging payapa,’ samantalang ang tabak ay nasa kanilang lalamunan!”
11Sa panahong iyon ay sasabihin sa sambayanang ito at sa Jerusalem, “Isang mainit na hangin mula sa mga hubad na kaitaasan sa ilang ay patungo sa anak na babae ng aking bayan, hindi upang magtahip o maglinis man;
12isang hanging napakalakas para dito ang darating dahil sa utos ko. Ngayon ako ay magsasalita ng mga hatol laban sa kanila.”
13Pagmasdan ninyo, siya'y tumataas na parang mga ulap,
at ang kanyang mga karwahe ay tulad ng ipu-ipo;
mas matulin kaysa mga agila ang kanyang mga kabayo—
kahabag-habag tayo, sapagkat nawawasak tayo!
14O Jerusalem, puso mo'y hugasan mula sa kasamaan,
upang ikaw ay maligtas naman.
Hanggang kailan titigil sa iyong kalooban
ang iyong pag-iisip na kasamaan?
15Sapagkat isang tinig ang nagpapahayag mula sa Dan,
at mula sa Bundok ng Efraim ay nagbabalita ng kasamaan.
16Balaan ninyo ang mga bansa na siya ay darating;
ibalita ninyo sa Jerusalem,
“Dumating ang mga mananakop mula sa malayong lupain,
sila ay sumisigaw laban sa mga lunsod ng Juda.
17Gaya ng mga bantay sa parang sila'y nakapalibot laban sa kanya
sapagkat siya'y naghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.
18Ang iyong mga lakad at ang iyong mga gawa
ang nagdala ng mga bagay na ito sa iyo.
Ito ang iyong pagkasalanta, anong pait!
Ito'y tumatagos sa iyong puso.”
Ang Kalungkutan ni Jeremias para sa Kanyang Bayan
19Ang paghihirap ko, ang paghihirap ko! Ako'y namimilipit sa sakit!
O ang pagdaramdam ng aking puso!
Ang aking puso ay kakaba-kaba,
hindi ako matahimik;
sapagkat narinig mo, o kaluluwa ko, ang tunog ng trumpeta,
ang hudyat ng digmaan.
20Sunud-sunod ang mga pagkapinsala,
ang buong lupain ay nasisira.
Ang aking mga tolda ay biglang nawasak,
at ang aking mga tabing sa isang iglap.
21Hanggang kailan ang watawat ay aking makikita
at maririnig ang tunog ng trumpeta?
22“Sapagkat ang bayan ko ay hangal,
hindi nila ako nakikilala:
sila'y mga batang mangmang
at sila'y walang pang-unawa.
Sa paggawa ng masama sila ay marunong,
ngunit sa paggawa ng mabuti ay wala silang alam.”
23Ako'y tumingin sa lupa, at narito, ito'y wasak at walang laman;
at sa mga langit, at sila'y walang liwanag.
24Ako'y tumingin sa mga bundok, at narito, sila ay nayayanig,
at ang lahat ng burol ay nagpapabalik-balik.
25Ako'y tumingin, at narito, walang tao,
at lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nagsialisan.
26Ako'y tumingin, at narito, ang mabungang lupain ay naging disyerto,
at lahat ng mga lunsod ay nakatiwangwang na guho
sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng kanyang mabangis na galit.
27Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon, “Ang buong lupain ay mawawasak; gayunma'y hindi ko isasagawa ang lubos na pagwasak.
28Dahil dito ang lupa ay tatangis,
at ang langit sa itaas ay magiging madilim;
sapagkat ako'y nagsalita, ako'y nagpanukala,
at hindi ako magbabago ng isip ni ako'y uurong.”
29Ang bawat bayan ay tumakas dahil sa ingay
ng mga mangangabayo at ng mga mamamana;
sila'y pumapasok sa mga sukal, at umaakyat sa malalaking bato;
lahat ng mga lunsod ay pinabayaan,
at walang taong sa mga iyon ay naninirahan.
30At ikaw, ikaw na nawasak, anong gagawin mo?
Magdamit ka man ng matingkad na pula,
gayakan mo man ang iyong sarili ng mga palamuting ginto,
palakihin mo man ang iyong mga mata sa pamamagitan ng pinta?
Sa walang kabuluhan ay nagpapaganda ka.
Hinahamak ka ng iyong mga mangingibig,
pinagbabantaan nila ang iyong buhay.
31Sapagkat ako'y nakarinig ng isang sigaw na gaya ng sa babaing manganganak,
ng daing na gaya ng isang magsisilang ng kanyang panganay,
ang daing ng anak na babae ng Zion, na hinahabol ang paghinga,
na nag-uunat ng kanyang mga kamay,
“Kahabag-habag ako! Ako ay nanlulupaypay sa harap ng mga mamamatay-tao.”
Currently Selected:
JEREMIAS 4: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: