JEREMIAS 47
47
Ang Mensahe ng Panginoon tungkol sa mga Filisteo
1Ang#Isa. 14:29-31; Ez. 25:15-17; Joel 3:4-8; Amos 1:6-8; Sef. 2:4-7; Zac. 9:5-7 salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga Filisteo, bago sinakop ni Faraon ang Gaza.
2“Ganito ang sabi ng Panginoon:
Narito, ang mga tubig ay umaahon mula sa hilaga,
at magiging nag-uumapaw na baha;
ang mga ito ay aapaw sa lupain at sa lahat ng naroon,
ang lunsod at ang mga naninirahan doon.
Ang mga tao ay sisigaw,
at bawat mamamayan sa lupain ay tatangis.
3Sa ingay ng lagapak ng mga kuko ng kanyang mga kabayo,
sa hagibis ng kanyang mga karwahe, sa ingay ng kanilang mga gulong,
hindi nililingon ng mga magulang ang kanilang mga anak,
dahil sa kahinaan ng kanilang mga kamay,
4dahil sa araw na dumarating
upang lipulin ang lahat ng Filisteo,
upang ihiwalay sa Tiro at Sidon
ang bawat kakampi na nananatili.
Sapagkat nililipol ng Panginoon ang mga Filisteo,
ang nalabi sa pulo ng Crete.
5Ang pagiging kalbo ay dumating sa Gaza,
ang Ascalon ay nagiba.
O nalabi ng kanilang libis,
hanggang kailan mo hihiwaan ang iyong sarili?
6Ah, tabak ng Panginoon!
Hanggang kailan ka hindi tatahimik?
Ilagay mo ang sarili sa iyong kaluban;
ikaw ay magpahinga at tumahimik!
7Paano ito magiging tahimik
yamang ito'y inatasan ng Panginoon?
Laban sa Ascalon at laban sa baybayin ng dagat
ay itinakda niya ito.”
Currently Selected:
JEREMIAS 47: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

:
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001