JOSUE 18
18
Ang Pagbabaha-bahagi sa Nalabing Lupain
1Kaya't ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel ay nagtipun-tipon sa Shilo, at doon ay itinayo ang toldang tipanan. Ang lupain ay napasailalim sa kanilang pangangasiwa.
2May nalalabi pang pitong lipi sa mga anak ni Israel na hindi pa nababahaginan ng kanilang pamana.
3At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, “Hanggang kailan kayo magpapakatamad na pasukin ang lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, ng Diyos ng inyong mga ninuno?
4Magbigay kayo ng tatlong lalaki sa bawat lipi; sila'y aking susuguin upang pasimulan nilang pasukin ang lupain, at ito ay iginuguhit ayon sa kanilang pamana, pagkatapos sila'y babalik sa akin.
5Hahatiin nila iyon sa pitong bahagi: at ang Juda ay mananatili sa kanyang nasasakupan sa timog, at ang sambahayan ni Jose ay sa kanilang nasasakupan sa hilaga.
6Inyong iguguhit ang lupain sa pitong bahagi, at inyong dadalhin ang pagkaguhit dito sa akin at magpapalabunutan para sa inyo sa harap ng Panginoon nating Diyos.
7Ang mga Levita ay walang bahagi sa gitna ninyo sapagkat ang pagkapari sa Panginoon ay siyang pamana para sa kanila; ang Gad, at ang Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang pamana sa kabila ng Jordan na dakong silangan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon.”
8At ang mga lalaki ay nagsimula na sa kanilang lakad at ibinilin ni Josue sa mga humayo na iguhit ang lupain, “Libutin ninyo ang buong lupain. Iguhit ninyo at bumalik kayo sa akin at magpapalabunutan para sa inyo sa harap ng Panginoon sa Shilo.”
9Kaya't ang mga lalaki ay humayo at lumibot sa lupain, at hinati sa pito ang mga bayan. Pagkatapos na maiguhit ito sa isang aklat, sila'y bumalik kay Josue sa kampo sa Shilo.
10At ginawa ni Josue ang palabunutan para sa kanila sa Shilo sa harap ng Panginoon; at doon ay binahagi ni Josue ang lupain sa mga anak ni Israel ayon sa kanilang mga bahagi.
Ang Ipinamana kay Benjamin
11Ang lupain ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan, at ang lupaing napatapat dito ay nasa pagitan ng lipi ni Juda at ng lipi ni Jose.
12Ang kanilang hangganan sa hilaga ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay paakyat sa hilaga ng Jerico, at paakyat sa lupaing maburol sa kanluran, at ang dulo nito ay sa ilang ng Bet-haven.
13Mula roon, ang hangganan ay patuloy hanggang sa Luz, sa tabi ng Luz (na siyang Bethel), sa timog, at ang hangganan ay pababa sa Atarot-adar, sa tabi ng bundok na nasa timog ng Bet-horon sa ibaba.
14At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kanluran sa dakong timog mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Bet-horon, at ang mga dulo niyon ay sa Kiryat-baal (na siyang Kiryat-jearim), na lunsod ng mga anak ni Juda; ito ang bahaging kanluran.
15Ang bahaging timog ay mula sa dakong labas ng Kiryat-jearim at ang hangganan ay palabas sa kanluran, at palabas sa bukal ng tubig ng Neftoa:
16Ang hangganan ay pababa sa gilid ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinom, na nasa libis ng Refaim sa hilaga; at pababa sa libis ni Hinom, sa gawing timog, sa tabi ng mga Jebuseo at pababa sa En-rogel;
17at paliko sa hilaga at palabas sa En-shemes, at palabas sa Gelilot na nasa tapat ng paakyat sa Adumim; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben,
18at patuloy hanggang sa hilaga sa tagiliran ng Araba at ito ay pababa sa Araba;
19Ang hangganan ay patuloy sa hilaga ng Bet-hogla. Ang hangganan ay nagtatapos sa hilagang look ng Dagat na Alat, sa dulong timog ng Jordan; ito ang hangganan sa timog.
20Ang hangganan ng Jordan ay sa bahaging silangan. Ito ang pamana sa mga lipi ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
21Ang mga lunsod ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay ang Jerico, Bet-hogla, Emec-casis,
22Bet-araba, Samaraim, Bethel,
23Avim, Para, Ofra,
24Cefar-hamonai, Ofni, Geba, labindalawang lunsod at ang mga nayon nito;
25Gibeon, Rama, Beerot,
26Mizpe, Cefira, Moza,
27Rekem, Irpeel, Tarala,
28Zela, Elef, at Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeah, at Kiryat-jearim; labing-apat na lunsod pati ang mga nayon nito. Ito ang pamana sa mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.
Currently Selected:
JOSUE 18: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: