JOSUE 23
23
Ang Pamamaalam ni Josue
1At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot, at si Josue ay matanda na at puspos na ng mga taon,
2ay tinawag ni Josue ang buong Israel, ang kanilang matatanda, mga pinuno, mga hukom, at ang kanilang mga tagapamahala, at sinabi sa kanila, “Ako'y matanda na at puspos na ng mga taon.
3Inyong nakita ang lahat ng ginawa ng Panginoon ninyong Diyos sa lahat ng bansang ito para sa inyo; sapagkat lumaban ang Panginoon ninyong Diyos para sa inyo.
4Narito, aking itinatakda sa inyo bilang pamana sa inyong mga lipi ang mga bansang nalalabi pati ang mga bansang aking inihiwalay, mula sa Jordan hanggang sa Malaking Dagat sa kanluran.
5Itataboy sila ng Panginoon ninyong Diyos mula sa harapan ninyo, at palalayasin sila sa inyong paningin, at inyong aangkinin ang kanilang lupain na gaya ng ipinangako ng Panginoon ninyong Diyos sa inyo.
6Kaya't kayo'y magpakatatag na mabuti at maingat na gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises, at huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;
7huwag kayong makihalo sa mga bansang ito na nalalabi sa gitna ninyo; huwag din ninyong banggitin ang mga pangalan ng kanilang mga diyos, ni susumpa sa pamamagitan nila, ni maglilingkod o yuyukod sa mga iyon;
8kundi humawak kayo sa Panginoon ninyong Diyos na gaya ng inyong ginawa hanggang sa araw na ito.
9Sapagkat pinalayas ng Panginoon sa harapan ninyo ang malalaki at malalakas na bansa; at tungkol sa inyo, ay walang tao na nakatagal sa harapan ninyo hanggang sa araw na ito.
10Magagawa#Deut. 32:30; Deut. 3:22 ng isa sa inyo na mapatakbo ang isanlibo sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ang nakikipaglaban para sa inyo, gaya ng ipinangako niya sa inyo.
11Kaya't ingatan ninyo ang inyong sarili, ibigin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos.
12Sapagkat kapag kayo'y tumalikod at sumanib sa nalabi sa mga bansang ito na naiwan sa gitna ninyo, at kayo'y nagsipag-asawa sa kanilang mga kababaihan, at sila sa inyo,
13ay alamin ninyong lubos na hindi patuloy na palalayasin ng Panginoon ninyong Diyos ang mga bansang ito sa inyong paningin, kundi sila'y magiging silo at bitag sa inyo, isang panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y mapuksa dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos.
14“At ngayon, sa araw na ito ay malapit na akong humayo sa lakad ng buong lupa, at nalalaman ninyo sa inyong mga puso at kaluluwa na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na ipinangako ng Panginoon ninyong Diyos tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.
15Kaya't kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay na ipinangako ng Panginoon ninyong Diyos ay nangyari sa inyo, ay gayundin dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng masasamang bagay, hanggang sa kayo'y mapuksa niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos.
16Kapag sinuway ninyo ang tipan ng Panginoon ninyong Diyos na kanyang iniutos sa inyo, at humayo at naglingkod sa ibang mga diyos at yumukod sa mga iyon, ang galit ng Panginoon ay mag-iinit laban sa inyo, at kayo'y kaagad na mapupuksa sa mabuting lupain na kanyang ibinigay sa inyo.”
Currently Selected:
JOSUE 23: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: